SECTIONS
Pampanga
Friday, December 03, 2021
PAMPANGA

Sapnu: PD ng Nueva Ecija police sinibak dahil sa limang police officers?

DATELINE: Olivas

NOONG nakaraang Sabado (Agusto 14), biglaang sinibak sa puwesto si Col. Jaime Santos, Nueva Ecija police provincial director.

Sang-ayon sa mga police officers, si Santos ay maaaring sinibak sa kanyang puwesto dahil sa pagkakasangkot ng Five Police Officers ng Nueva Ecija sa isang Kidnapped and murder.

Sa police report, sina SSg. June Malilin ng Palayan City police; Msg. Rowen Martin ng Cabanatuan City police; Ssg. Drextemir Esmundo ng Cabiao police; Cpl. Julius Alcantara ng Nueva Ecija police Drug Enforcement Unit at Sgts. Bendict Reyes.

Ang nabanggit na mga police officers at dalawa pa nilang kasama sibilyan na sina Frankling Macapagal at Dario Robarios ay dinukot ng mga ito si Nadia Casar,34, isang online seller sa Sta. Rosa, Laguna noong Hulyo 20.

Si Casar at isang Grab driver na kanyang ni-renta ay dinukot ng mga nasabing suspek. Tinangay ng mga suspek ang cellpone at P4,500 cash ng drayber bago ito pinakawalan.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Casar sa Barangay Imelda Valley, Palayan City.

Pinasibak kaagad ni Chief PNP Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang sangkot na limang police officers.

At nitong nakaraang Sabado, isang simple turned over ceremonies ang ginanap na kung saan mismong si Brig. Gen. Valeriano De Leon ng Police Regional Office-3 director ang sumaksi.

Si Col. Rhoderick Campo ang bagong Nueva Ecija police provincial director.

Si Campo ay dating chief ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) ng Police Regional Office-5.

Si Santos na mayroon lamang anim na buwan pagkakaupo bilang PD ng Nueva Ecija ay nasibak dahil ba sa pagkakasangkot ng kanyang limang police officers? Nagtatanong lang po...

Dahil lang ba sa PNP Command Responsibility Policy ang naging dahilan ng pagkakasibak kay Santos? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!