SECTIONS
Pampanga
Saturday, December 04, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Mawawala na ang tubig baha sa loob ng Camp Olivas?

Dateline: Olivas

SA LOOB nang 33 na taon nagkokober ang Dateline sa Camp Olivas, tuwing may bagyong darating sa bansa tiyak magkakaroon ng baha sa loob ng Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters.

Ang baha sa loob ng Olivas noong 1990 halos umaabot sa baywang ang lalim ng tubig baha.

Kaya simula ng nasabing taon, hindi na nawawala ang tubig baha sa Olivas.

Nito lang 2019 hindi na naging malalala o hindi na gaanong binabaha ang Olivas.

Natatandaan ng Inyong Lingkod, nagbabangka pa ang ilang police officers upang makapasok sa kani-kanilang tanggapan sa headquarters dahil hanggang baywang ang tubig baha.

Maging ang Dateline, naranasan ang pagsakay sa bangka upang makapunta lamang sa tanggapan ng Public Information Office-3 na kung saan nag-iistay ang mga reporters.

Ito ang naging tanggapan ng mga reporters noon upang makakuha ng mga reports sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa Gitnang Luzon.

Sakop din ng PRO3 ang lalawigan ng Aurora na pinakamalayong provincial office sa Region 3.

Naging malalala ang tubig baha sa loob ng Olivas nang rumagasa ang lahar at doon lalong nabarahan ang mga kanal sa loob nito at maging ang daluyan sa labas ng Kampo. Naging catch basin na noon ang Camp Olivas.

Hindi na magkakaroon ng tubig baha sa loob ng kampo makaraang natapos na ang road network at drainage system sa kampo na ipinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Noong Lunes (Aug. 23) pinasinayan ang nasabing proyekto nina DPWH Sec. Mark Villar at Patrol Partylist Rep. Jorge Bustos.

Si Brigadier General Valeriano De Leon, PRO3 director, ang nakapagpaayos ng nasabing suliranin sa baha sa kampo. Kanyang nilapitan ang DPWH at kay Patrol Partylist para sa nasabing proyekto.

Marami pa rin ginagawang proyekto ang DPWH kagaya ng PRO3 Multi-pupose hall na nasunog noong July 2020. At iyon naman ginagawang PRO3 Service ay pinondohan ni Bustos.

Sa pamamagitan ni BG De Leon nawala na ang pagbaha sa loob ng PRO3 headquarters tuwing rainy season.

Binulungan ako ng ilang police officers, sana daw ipagawa din ni Sec. Villar ang lubak-lubak na kalsada magmula sa Barangay Tagulod hanggang sa harapan ng Gate ng PRO3.

Hindi na madaanan ng mga motorista ang lane sa kanan patungong gate ng Olivas dahil sa sobrang lalim ng mga lubak.

Kailan kaya gagawin ng DPWH ang nasabing grabeng lubak lubak na kalsada? Nagtatanong lang po...

***

Binabati ng Dateline si Lt. Col. Amado Mendoza Jr., chief ng Regional Logistics and Research Development Division (RLRDD), sa kanyang pagka promote bilang full-fledge Colonel.

Si Mendoza ay halos isang taon na chief ng RLRDD at nitong Agosto 12, 2021 ay na-promote na. Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1997.

You deserve the promotion congrats Col. A Mendoza, Jr.!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!