SECTIONS
Pampanga
Thursday, December 02, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Ex-cop sentenced to double life imprisonment

DATELINE: Olivas

SINISTENSYA ng Tarlac Regional Court ng double life imprisonment si dating SSgt. Joel Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020.

Napatunayan ng Tarlac RTC na guilty si Nuezca beyond reasonable doubt of murder, on two counts. Kaya naman aabot sa 80 taon ang naging sintensya dating police officer.

Matatandaan na binaril at napatay ni Nuezca ang mag-inang sina Sonia Gregorio, 52 and kanyang anak na si Frank Anthony dahil sa mainit na pagtatalo noon.

Walang kalaban-laban ang mag-ina sa nas5abing police officer nang sila'y barilin sa ulo. Naging viral ang video ng nasabing insidente na kung saan matinding kinondeta ng mga Nitizen ang ginawa ng nasabing pulis.

Sa police report, dahil lamang sa ingay ng Boga na ginagamit umano ng Gregrorio's doon nagsimula ang insidente.

Pinagbabayad din ng korte si Nueza ng mga naiwan ni Sonia ng P100,000 as civil indemnity, P100,000 bilang exemplary damages, P126,280 bilang actual damages at P50,000 as temperate damages with interest rate of six percent per annum.

Pinagbabayad din ng korte si Nuezca na bayaran din ang mga naulila ni Frank Anthony ng the same amount.

Natuwa naman ang Pamilyang Gregorio sa naging desisyon ng Tarlac RTC dahil nakamit din nila ang hustisya.......

Gen. Eleazar sinibak ang isang pulis sa Bataan dahil sa panggagahasa......

Nang matanggap ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa ginawang panghalay ni Patrolman Elmer Tuazon Jr. sa isang babaeng quarantine violator sa Mariveles, Bataan, kaagad nitong pinasibak sa kanyang puwesto.

Si Tuazon ay nakatalaga sa 2nd Bataan Provincial Mobile Force Company at isang nakilalang Armando Dimaculangan miyembro ng Mariveles public safety office ay kanilang hinuli ang 19 na taon na dalaga sa isang checkpoint sa Barangay Batangas II.

Sang-ayon sa report, dinala ni Tuazon ang biktina sa kanyang boarding house na kung saan kanyang hinalay maging ang kasama nitong si Dimaculanga.

Inatasan kaagad ni Gen. Eleazar si Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 (PRO3) director na imbestigahan ang nasabing insidente.

Nahaharap na masibak sa serbisyo si Tuazon kapag napatunayan na ginawang panggagahasa, ayon pa kay Eleazar.

“Walang lugar sa PNP ang mga pulis na ginagamit ang kapangyarihan na ipinagkaloob ng taong-bayan para magsamantala at mang-abuso ng ating mga kababayan," pahayag ni Chief PNP.

Tiyak na galit na galit na naman si Gen. Eleazar sa ginawa ni Tuazon, ayon sa police officers.

Ano kayang aksyon ang gagawin ng PNP sa Bataan Police Provincial Director (PD), ito ba isang Command Responsibility din??? Nagtatanong lang po......


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!