Sapnu: Motorcycle riders naging viral

NAGING viral ang dalawang motorcycle riders habang nagsasagawa ng "stunt" sa kahabaan ng national highway sa Zambales.

Dahil sa viral, pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang nasabing insidente dahil hindi ito magandang halibawa sa iba pang police officers.

Napasok kaagad sa isipan ng mga kababayan natin na ang naturang dalawang riders ay taga Highway Patrol Group (HPG).

Sang-ayon kay Brigadier General Alexander Tagum ang nasabing dalawang riders ay hindi umano nakatalaga sa HPG kungdi sila ay naka-assigned sa Zambales Provincial Police.

Sa viral, ang dalawang riders ay nagsasagawa ng mapanganib na stunt na hindi man lang inisip ang mga ibang behikulo na dumadaan sa nasabing highway.

Sang-ayon sa HPG kanilang hinahanap ang taong nag upload ng video para malaman kung kailan itong nangyari.

Hindi naman nakaligtas kay Chief PNP General Elezar ang nasabing viral video kaya naman kaagad nitong pinaiimbestiga ang nasabing riders.

“Tukuyin, imbestigahan at patawan ng karampatang parusa ang mga kamote riders na ito,” sang-ayon pa kay Eleaza.

Sinabihan pa ni Chief PNP ang mga riders na huwag gumagawa ng stunts sa mga lansangan dahil maaaring maging resulta ng insidente sa ibang behikulo.

Ang Zambales Police Provincial Office ay wala pang pahayag kung kanilang miyembro ang dalawang riders.

Nauna dito, itinanggi ng HPG Bg. Tagum na hindi nila miyembro ang naturang riders.

Kanino ba talaga nakatalaga ang dalawang riders? Nagtatanong lang po.

* * *

Binabati ng Dateline si Lieutenant Colonel John Clark hepe ng City of San Fernando police sa pagkakakumpiska ng mga ito shabu na nagkakahalaga P400,000.

Narekober ng City of San Fernando police ang nasabing shabu sa isang buy-bust operation sa Mexico kamakailan.

Congrats sa inyong accomplishment!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph