SECTIONS
Pampanga
Friday, December 03, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Dahil sa kanilang trabaho, dalawang pulis pinatay

Dateline: Olivas

NOONG Biernes ng gabi, dalawang pulis ang pinagbabaril ng dalawang di-kilalang armadong lalaki sa loob ng isang bahay sa Barangay Norte Magsaysay, Cabanatuan City.

Sina PSsg. Allan Capinpin, 43, at PSsg. Aries Dichoso, kapwa nakatalaga sa Cabanatuan City police bilang miyembro ng Drug Enforcement Unit ay nasa loob ng bahay ng huli (Capinpin) nang dumating ang isang motorycle sakay ng dalawang armadong lalaki.

Pumasok ang mga suspek sa bahay at pinagbabaril ang dalawang biktima, ayon sa report ni Col. Rhoderick Campo, Nueva Ecija police acting provincial director.

Pagkatapos ng pamamaril, sumakay ang mga suspek sa kanilang motorcycle at kaagad tumakas sa pinangyarihan ng insidente.

Napag-alaman kay Campo, ang dalawang pulis ay nagplaplanong magsasagawa ng isang follow-up operation matapos sa kanilang matagumpay na buy-bust operation nang dumating ang mga suspek ay pinagbabaril ang mga ito.

Bago ang pamamaril, ang dalawang police officer ay mayroon naarestong tatlong drug pusher sa isang village sa Sangitan West sa Cabanatuan City na kung saan aabot sa P652,800 halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska.

Isang police team ang nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga armadong lalaki, ayon kay Campo.

Sa pahayag naman ni Bg. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 (PRO3) director, tiniyak nito sa pamilya ng mga biktima na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang police officer.

Dapat lamang ng bigyan ng commendation ang dalawang napatay na pulis dahil sa kanilang matapat na trabaho.

Brig. De Leon sana mabigyan ng parangal ang sina PSsg. Capinpin at PSsg. Aries...

***

Sa wakas, ginagawa na ng DPWH3 ang lubak lubak kalsada patungo Camp Olivas.

Halos umabot ng dalawang taon bago mapansin ng Department of Public Works and Highways (DPWH3) ang lubak lubak na kalsada patungong Camp Olivas.

Ilang beses ng tinalakay ng Dateline ang malalalim ng lubak mula sa Barangay Tagulod hanggang sa harap ng PNP Camp Olivas.

At nitong nakaraang linggo, nagtaka ako kung bakit ang haba ng trapik sa nasabing kalsada. Nang tanungin ko ang isang police officer nakatalaga sa Deputy Regional Director for Administration, ang sabi niya ay ginagawa na kuya ang matagal na lubak lubak ng kalsada na lagi mo binabatan sa kolum mo.

Ang sabi ko sa police officer Good at nagising o napansin din ni DPWH3 Director Roseller Tolentino ang nasabing kalsada.

Director Tolentino, ang mga police officer na araw araw dumadaan sa nasabing lubak lubak na kalsada ay nagpapasalamant sa inyong aksyon!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!