Sapnu: Basag-kotse gang umaatake na naman sa kabila ng pandemic

HALOS umabot ng anim na buwan bago umatake ulit ang tinaguriang Basag-kotse gang sa Gitnang Luzon.

Matatandaan noong Marso nitong taon, tatlong may-ari ng kotse ang nabiktima ng mga miyembro ng Basag-kotse gang.

Ito'y nangyari sa lalawigan ng Tarlac na kung saan isang behikulo sa harapan ng isang restaurant sa kahabaan ng Macarthur highway ang naging biktima ng grupo.

Pangalawang insidente ay naganap sa Samyeupsal Restaurant malapit sa Lucinda Campus sa Barangay Maliwalo, Tarlac City at ang pangatlo ang biktima ay nag-jogging lamang at ipinarada ang kanyang kotse sa tabi ng kalsada at nang ito'y bumalik sa kanyang kotse ay basag na ang kanan bintana nito.

Hanggang sa sinusulat ang kolum na ito, wala pa ng nahuhuling miyembro ng Basag-Kotse gang ang Tarlac police. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

At nitong Septyembre, isang police officer ang nabiktima ng grupo, ayon sa police report.

Ipinarada ni Lieutenant Apolinario Aguinaldo, 48, commander ng Police Community Precint ng Quezon City police district ang kanyang Toyota Innova sa kahabaan MacArthur Highway Barangay Sumacang, City of Malolos, Bulacan.

Pagbalik ni Aguinaldo sa kanyang behikulo laking gulat nito basag ang kanan bintana at nang kanyang nadiskubre nawawala ang kanyang Asus laptop.

Buti na lang ang kanyang service firearm ay dala nito kung hindi natangay din ng grupo.

Wala nang kinakatakutan ang grupo kahit police officer ay kanilang binibiktima di po ba?

Pinag-iingat naman ni Brigadier General Valeriano De Leon, Police Regional Office Central Luzon director, ang publiko na huwag mag-iiwan ng mahahalagang kagamitan sa loob ng kanilang behikulo.

Kailan naman mahihinto o makakahuli ang Philippine National Police sa mga tinaguriang Basag-Kotse gang? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph