SECTIONS
Pampanga
Thursday, December 02, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Huwag gawin laruan ang baril -- Gen. Eleazar

DATELINE: Olivas

ITO'Y nangyari sa isang Police Corporal Oliver Ferrer nakatalaga sa Raxabago Police Manila, na kung saan isang delivery driver ang kanyang napatay.

Nangyari ito noong Biyernes nang naisipan ni Ferrer na laruin ang kanyang service gun (.9mm pistol) nang bigla itong pumutok at tinamaan si Jayson Capistrano, isang delivery driver.

Sa police report, binisita ni Ferrer si Joseph Lipasana ng Gagalangin, Tondo at samantalang nasa labas sila sa harapan ng barangay hall, nilaro ng pulis ang kanyang baril sa harapan ni Capistrano.

Bigla umano ito pumutok at tinamaan si Capistrano. Dinala sa malapit na ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, kasong homicide ang isinampa ng Prosecutor's Office, samantalang kasong administratibo ang isinampa ng PNP laban kay Corporal Ferrer.

Kaagad naman sumuko si Ferrer kay Brigadier General Leo Francisco, director ng MPD at kasalukuyang nakakulong police station.

Sang-ayon sa initial investigation, magkaibigan pala sina Ferrer at Capistrano.

Dahil sa insidente ito, inatasan ni General Eleazar na isailaim sa regular conduct of gun safety at marksmanship training ang lahat ng PNP personnel.

Huwag sana maging "ningas cogon" ang direktiba ni General Eleazar.

****

VP Robredo vaccine express sa Pampanga

Noong Biyernes (Setyembre 17, 2021), dumating si Vice President Leni Robredo sa City of San Fernando upang ilunsad nito ang kanyang Vaccine Express program na ginanap sa Laus Convention Center.

Umabot sa 1,647 Fernandinos ang nabakunahan ng first dose ng Covid-19 vaccines na nasa A4 category.

“Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng tanggapan namin at ng City of San Fernando LGU (local government unit) through the Office of Councilor Redentor Halili, pati na rin sa mga civil society organizations (CSO) na pinangungunahan nina [Pampanga Governor Eddie 'Among Ed' Panlilio] at Quiel Quiwa, at sa iba pa nating long-time Angat Buhay partners,” Robredo wrote on her social media account.

Hindi ba alam ni VP Robredo na si Dennis "Delta" Pineda ang gobernador ng Pampanga at si dating gobernador Among Ed ang kanyang isinulat sa kanyang social media account? Nagtatanong lang po...

Dapat VP ka alam mo kung sino ang current governors sa mga lalawigan, di po ba?

Hindi ba inimbitahan ni VP Robredo si Governor Delta sa nasabing aktibidades? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!