SECTIONS
Pampanga
Saturday, December 04, 2021
PAMPANGA

Sapnu: E-sabong: Benepisyo o perwisyo sa bayan?

Dateline: Olivas

NITONG nakaraang Lunes, inaprobahan ng House of Representatives ang pagpalawig sa operasyon ng online cockfighting o e-sabong.

Ang e-sabong firm Lucky 8 Star Quest Inc., na kung saan ang operator nito ay ang Pitmasters Live games ay si Charlie "Atong" Ang, isan Filipino-Chinese gaming aficianado.

Sa session ng mga kongresista, umaabot sa 161-2 ang bumoto sa third and final reading ng House Bill No. 10199.

Pinalawig ng 25 taon ang franchise ng Lucky 8 Star Star Quest para sa "live broadcast ng cockfighting at derbies sa pamamagitan ng online.

Sa nasabing Bill, pinayagan ang e-sabong firm na magtayo ng mga establistamento para mag-operate ng online cockfighting.

Inaprobahan ng Kamara ang e-sabong upang doon makakuha ang pamahalaan ng malaking benipisho sa pamamagitan ng "revenue."

Si dating House Speaker, Congressman Alan Peter Cayetano ang tutol sa nasabing bill dahil ang e-sabong at iba pang sugal ay sinisira ang "moral fiber ng ating society.

Sang-ayon pa kay Cayetano ang e-sabong ay madaling sumugal sa pamamagitan ng internet o cellularphones kaya naman maraming kababayan natin ang na-aadik dito lalo na iyong mga kabataan.

Dahil sa e-sabong on-line maraming kababayan natin ang naadik sa sugal, ayon pa sa kanyang statement.

Matandaan, ang Lucky 8 Star Quest Inc. ay nakakuha ng license to operate sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Bakti kaya halos ang mga kongresista ang sumuporta sa e-sabong on-line? Ano ang mayroon dito? Nagtatanong lang po...

Malaki ba ang makukuhang benipisyo sa e-sabong o malaking perwisyo sa mga kababayan natin lalo na iyong mga kabataan? Nagtatanong lang po...

Kayo po ano ang palagay ninyo?


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!