SECTIONS
Pampanga
Wednesday, October 27, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Imonitor ang grupong wanted sa robbery at kidnapping-Eleazar

DATELINE: Olivas

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar ang lahat ng police regional directors sa bansa na manmanan ang dalawang grupo na wanted for robbery at kidnapping.

Sang-ayon sa pahayag ni Eleazar, ang mga naturang grupo ay posibleng umano'y gamitin ng ilan politiko para makalikom ng kanilang pondo paras sa darating na national at local elections sa 2022.

Ang Intelligence Group (IG) at mga chief of police ang mga inatasan ni Eleazar para hulihin ang mga naturang grupo sa kanilang area of responsibility (AOR).

Unang nakaalam ang mga chief of police kung sinong grupo ang nasa AOR nila.

Ang sinasabing wanted persons ni Chief PNP ay iyong sangkot sa robberies sa mga bangko at iba pang establisyemento.

Ito ang nakikita ni Eleazar na maaaring gamitin ng ilang politiko -- ang grupo ng wanted person at kidnapping -- upang makaipon ng kanilang pondo para sa kanilang pagtakbo.

Ang direktiba ay inilabas ni Chief PNP dahil sa robbery-holdup naganap sa China Bank branch sa Otis, Manila.

Abangan po natin kung sinong chiefs of police ang gagawa kaagad ng aksyon sa direktiba ni Eleazar. Mayroon kaya? Nagtatanong lang po...

***

Mga police officers nabigyan ng award nitong 120th Police Service Anniversary

Noong Lunes (Oktubre 4), ang 120th Police Service Anniversary na kung saan dinaluhan nina Davao Mayor Sara Duterte Carpio at Bulacan Gobernador Daniel Fernando.

Isang programa ang ginanap sa Police Regional Office-Central Luzon grandstand ang nasabing anniversary na may temang "Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligiran at Komunidad; Ibayong Gampanan para Pangkapulisang Integridad."

Sa nasabing anniversary, nakatanggap ng awards ang mga sumusunod: Colonel Rommel Velasco, chief ng Regional Community Affairs Development Division (Best Senior Police Commissioned Officer for Administration; Colonel Lawrence Cajpe ng Bulacan police provincial director (Best Junior Police Commissioned Officer for Administration; Major Mark Louie Sigua; Best Junior PCO for Operations Major Aris Gonzales; Best Senior PNCO for Administration - Staff Master Sergeant Jewelle Rivera; Best Senior PNCO for Operations - CMS Abraham Ancheta; Best Junior PNCO for Administration; SSg Mary Joy C Fernandez; Best Junior PNCO for Operations- Corporal Miriam L Lapurga; Best NUP (Supervisory Level)- NUP Marie Flor A De Guzman and Best NUP (Non-Supervisory Level) - NUP Ayla Joy DC Dela Cruz.

Samantala ang Pampanga ang Best Police Provincial Office; Olongapo City police ang Best City Police Office; Best Component City Police Station – ang City of San Fernando Police Station; Best Municipal Police Station ang Mariveles Police Station; Best City Police Station- Station 1, Olongapo City Police; Best Provincial Mobile Force Company- 2nd PMFC, Pampanga PPO at Best City Mobile Force Company CMFC, Olongapo CPO.

Sa mga awardees, congrats sa inyong lahat.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph