NITONG nakalipas na linggo dalawang police colonel ang sinibak sa kanilan puwesto.

Sabay na ni-relieve sina Col. Arnold Ibay, Pampanga Police Provincial Director at Col. Lawrence Cajipe ng Bulacan police provincial director.

Ang order to relinquish their post ay dated Oct. 04, 2021 ay galing sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Si Col. Robin King Sarmiento ang pumalit sa puwesto ni Ibay samantalang si Col. Manuel Lukban ang pumalit kay Cajipe.

Wala pang dalawang taon ang naging serbisyo ng dalawa sa kanilang puwesto.

Hindi naman sinabi sa report, kung anong dahilan ang ginawang pagsibak ng Camp Crame.

Ang hinala ng mga police officer, baka raw mababa ang naging accomplishments ang dalawang sinibal.

Mayroon naman nagsabi na baka raw dahil nalalapit na ang eleksyon ay ibig palitan ng kanilang gobernador.

Kayo po ano kaya naiisip ninyong dahilan kung bakit sinibak sa kanilang puwesto ang dalawa?

Ano naman ang masasabi ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 director sabiglaang ginawang pagsibak ng Camp Crame sa kanyang dalawang Provincial Directors?