Sapnu: Dahil lamang sa dalawang pulis nanggahasa, PNP image nasisira

DALAWANG police officers sa Central Luzon sangkot sa rape case ang sumira na naman sa image ng PNP?

Nitong nakaraang Biernes (Oktobre 8), isang 26 taon na babae ang umano'y ginahasa ni Staff Sergeant Robin Mangada ng Angeles City Police Station 4.

Patungo sa kanyang work ang 26 anyos na babae sakay ang kanyang motorsiklo noong Biernes ng gabi nang harangin ng suspek sa PNP checkpoint sa Barangay Lakandula sa boundary ng Mabalacat City at Angeles City.

Sinita ng police officer ang babae at hinanapan umano ito ng driver license, nguni’t wala itong iprisintang lisensya.

Sa pagkakataon ito, kinumpiska ng police officer ang susi ng motorsiklo ng biktima.

Sa police report, nagmakaawa umano ang babae sa pulis na huwag na iimpound ang kanyang motorsiklo na pag-aari ng kanyang ama.

Sa sitwasyon ito, sinabihan ni police officer ang biktima na masahihin siya sa loob ng kanyang kotse na ginawa umano ng huli.

Sa di malaman dahilan, biglang dinala ni police officer ang biktima sa isang motel sa Mabalacat City at doon umano siya ni-rape.

Nagsampa ng reklamo ang biktima sa PNP National Headquarters sa Camp Crame laban sa SSgt.

Sang-ayon kay Brg. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office Central Luzon director, sinampahan ng administratibo si Ssgt. Mangada at maaari itong matanggal sa serbisyo kapag napatunayan ang reklamo laban sa kanya.

Noong Agosto 29 nitong taon, isang police officer din ang kinasuhan ng rape ng isang factory worker ng Bataan Expo Processing Zone.

Nang dumaan ang biktima sa PNP checkpoint sa Mariveles, Bataan, sinita umano ni Patrolman Elmer Tuazon ang nasabing factory worker

Dinala umano ni Tuazon ang babae sa kanyang tinitirhan kasama ang isang miyembro ng Bantay Bayan at doon nila ginawa ang panggagahasa, ayon sa police report.

Ang dalawang pulis sangkot sa rape case ay nahaharap na matanggal sa serbisyo.

Dahil sa dalawang police officer, nasira na naman ang image ng PNP, na kung saan galit na galit sa mga ganitong pulis si Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar.

Kaya naman kanyang inatasan si Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO Central Luzon director na tanggalin sa serbisyo ang dalawa kapag napatunayan ang reklamo laban sa kanila.

Sana naman kapag natapos ang imbestigasyon sa nasabing dalawang pulis at tinanggal na serbisyo ay i-report din nila sa publiko.

Sino pa kaya ang susunod na police officer na gagawa ng ganito? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph