SECTIONS
Pampanga
Monday, November 29, 2021
PAMPANGA

Sapnu: 5 senior police officers kandidato para next PNP Chief: Sino kaya ang masuwerte?

DATELINE: Olivas

NAKATAKDANG mag-retiro si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar nitong Nobyembre 13.

Kaya naman kanya-kanyang lakad na o malalapitan ang limang senior police officers upang masungkit ang pinamataas na puwesto sa PNP.

Mayroon na dyan lalapit sa mga senador o congressmen upang sila ang posibleng mapili na susunod na PNP Chief, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Ang matindi pa dyan iyong iba naghahanap na malakas kay Pangulong Duterte upang matiyak lamang siya ang mapipili bilang kapalit ni Eleazar.

Matandaan si Eleazar ang inapoint ni Duterte para maging 26th Chief PNP kaya naman ang 5 senior police officers ay naghahanap ng kaibigan ni Duterte na hindi nito mapahindihan.

Isang short list for recommendation ang isusumite ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano kay Duterte upang maging next Chief PNP bago magtapos ang Oktobre.

Sa pahayag ni Ano sa mga reporter ang seniority, merit at service reputation babatayan sa "qualifications."

Kung pagbabatayan ang Seniority, ang Mistah ni Eleazar na sina PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz at deputy chief for operations Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson. Sina Eleazar, Vera Cruz at Dickson ay PMA Class '87.

Si Vera Cruz ay nakatakdang mag-retiro nitong Marso 8 samantalang si Dickson sa Marso 27.

Ang isa pa maaaring next Chief PNP ay si Lt. Gen. Dionardo Carlos ng PMA Class '88. Siya ang kasalukuyang chief of the directorial staff.

Sina Maj. Gen. Vicente Danao Jr., ng Director ng National Capital Region Police Office at Police Regional Office-3 director Brig. Gen. Valeriano de Leon ang dalawa pang kandidato sa PNP chief post.

Si Danao ay miyembro ng PMA Class '91 at sa Agosto 10, 2023 pa ang kanyang retirement. Siya ang trusted Senior Police Officer ni Pangulong Duterte dahil siya naging chief of police ng Davao City.

Sang-ayon sa IO, si De Leon na pinakamalapit kay Mayor Sara Duterte Carpio dahil naging Chief of Police din sya ng Davao City.

Kung pagbabatayan ang Seniority sa PNP sina Vera Cruz at Dickson ang senior sa kandidato bilang next Chief PNP. Kaya lamang mayroon na lamang sila ng limang buwan sa serbisyo.

Hindi naman siguro masama kung isa sa kanila (Vera Cruz at Dickson) ang pagbibigyan in Pangulong Duterte kagaya ang pagbibigay nito kay Retired Gen. Debold Sinas na halos limang buwan lamang ito sa serbisyo. Hindi po ba Unfair kung hindi susundin ang Seniority kahit na mayroon na lamang silang limang buwan? Bakit nagawa ni Pangulong Duterte kay Sinas? Nagtatanong lang po...

Sana naman pagbigyan ni Pangulong Duterte ang dalawang senior police officers kahit na may limang buwan na lamang kanilang serbisyo.

Lahat ng senior police officers ang maging Chief PNP ang kanilang hinahangad na katuparan. Maraming Senior Police Officers ang nangangarap ang mataas na puwesto sa PNP di po ba?

Sino kaya ang masuwerte sa limang kandidato? Nagtatanong lang po...

***

Karamihan sa mga police officer nabigyan ng awards noong 120th Police Anniversary Service ay pawang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) "Kaagapay" Class '96. Ang mga ito ay sina Col. Romell Velasco, chief ng Regional Community Affairs Development Division (RCAAD3) - Best Senior Police Commissioned Officer for Administration; Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police provincial director - Best Senior Officer for Operations; Col. Arnold Thomas Ibay, Pampanga police provincial director - Best police provincial office; Col. Rommel Batangan, Angeles City police director - Outstanding City Police Office;

Special recognitions to the Regional Staff, Col. Joyce Patrick Sangalang, chief of the Regional Personnel Management Divison3; Col. David Poklay, chief of the Regional Intelligence Division3; Col. Rudecindo Reales, chief of the Regional Comptrollership Division3 at Col. Fitz Macariola, chief of the Regional Mobile Force Battalion3.

Samantalang si Lt. Col. John Clark, chief of police ng City of San Fernando ang nahirang Best Police Component City. Keep up the good work Lt. Clark.

Sa lahat ng nabigyan ng Awards, congrats sa inyong lahat!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!