SECTIONS
Pampanga
Monday, November 29, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Apat na tsino napatay sa buy-bust operation

DATELINE: Olivas

ISANG malaking grupo ng Chinese national ang napatay sa naganap na buy-bust operation sa noong Lunes sa Punta Verde Subdivision, Barangay Pulung Cacutud, Angeles City.

Sa police report, ang mga napatay ay sina Cai Ya Bing, 29; Erbo Ke, 34; Huang Guidong, 43; at Wuyuan Shen, 41, pawang taga Fujian, China.

Dahil malaking grupo ang target ng mga otoridad, pinagsanib na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA3); PDEA-NCR; AFP Task Force NOAH, National Capital Region Police Office (NCRPO); Regional Intelligence Division; Bureau of Custom; Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Drug Enforcement Unit of Angeles City police ang nagsagawa ng nasabing sting.

Sa report ng police, nang malaman ng mga biktima ang kanilang binebentahan nilang shabu ay isang pulis, biglang umano bumunot ng kanilang mga baril at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Sa dami ng tropang nagsagawa ng buy-bust operation, hindi nakaporma ang mga tsino at napatay kaagad ang mga ito.

Narekober mula sa kanila ang 38 kilo ng shabu na nagkakahalagang Php262,200,200.00 ; apat na kalibre .45, dalawang cellpone, isang wieghing scale at apat na Php1,000 bilang marked money at isang box of zip locked transparent plastic.

Hindi na rin mabilang ang mga malalaking halaga ng shabu ang nakukumpiska sa Angeles City at di na rin mabilang ang mga drug pushers nahuhuli.

Ang ibig ba sabihin nito maraming taong sangkot sa illegal drugs sa Angeles City? Nagtatanong lang po...

Saan naman kaya kinukuha ng mga drug pusher ang kanilang illegal drugs? Nagtatanong lang po...

Kanino naman "credit" ang accomplishment sa apat na tsino... sa PDEA ba o sa PNP? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!