KAMAKAILAN, ni-relieved sa kanilang puwesto sina police provincial director Col. Arnold Ibay ng Pampanga at Col. Lawrence Cajipe ng Bulacan.

Si Col. Robin King Sarmiento ang bagong provincial director ng Pampanga police at si Col. Manuel Lukban ang Bulacan police.

Tuwing bago ang upong Police Provincial Director, inaasahan na ang ginagawa nitong pagbalasa sa kanyanga mga Chief of Police.

SOP (Standard Operation Procedure) ang ganitong nangyayari kapag bago na ang nakaupong provincial director, siyempre iyong kanyang mga "bata" ang knyang bibigyan ng "break."

Sa tagal ng inyong lingkod nagkokober sa Police Regional Office-3 (PRO3) ito ang nagiging SOP.

Wala naman magagawa ang mga kasalukuyang chiefs of police dahil susunod na lamang sila sa kanilang bagong provincial police director.

Kaya naman iyong ibang mga chiefs of police ay hanap kaagad ng kanilang "backer" upang hindi sila maalis sa kanilang puwesto.

Hanggang sinusulat ang kolum na ito, wala pa naman ni isang chief of police sa Pampanga at Bulacan ang sinibak sa kanyang puwesto.

Sabi nga ng isang police officer, pinag-aaralan pa ng bagong upong provincial director kung sino sino ang maapektuhan na mga hepe.

Abangan po natin kung sino sino ang mga hepe ang maaaring matanggal sa kanilang puwesto...

***

Binabati ng Dateline si Col. Jonas Amparo, ang bagong Deputy Regional Director for Operations pinalitan niya si Col. Pedro Soliba natalaga naman sa Camp Crame.

Si Amparo ang dating Chief Regional Staff at pinalitan nito ni Col. Lawrence Cajipe na dating Bulacan police provincial director.

Congrats sirs!