SECTIONS
Pampanga
Monday, November 29, 2021
PAMPANGA

Sangil: Ang undas sa panahon ng pandemya

Trending Toda Max

TAON-TAON, tuwing sasapit ang Todos los Santos, napupuno ng tao ang mga sementeryo. Hindi ito nangyari nitong taon dahil sa pandemya. Noon huling taon na ito, lahat ng sementeryo sa buong bansa ay sarado mula Oktubre 29 hanggang ika tatlo ng Nobyembre. Nakagisnan natin na tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre, magsisindi ng kandila, mag-aalay ng bulaklak at uusal ng dasal para ating mahal sa buhay na namayapa na.

Ano ba ang nasa likod nitong tradisyon? Para sa mga millennials ay ibabahagi ko itong kokonti kung kaalaman. Ito ay dala ng mga Kastila ng sakupin ang Pilipinas na nag-umpisa ng dumaong ang limang galleon na sakay si Ferdinand Magellan at ang kaniyang tropa. Hindi ba natatandaan natin ang turo sa atin noong tayo'y nasa elementarya pa na nagkaroon ng kauna-unahang misa sa isla ng Limasawa?

Sa loob ng mahigit na 300 taon pananakop nila sa ating bansa, ang halos lahat ng kaugulian sa Espanya ay binahagi sa atin. Ang piyesta, flores de Mayo, pasko at undas at iba pa ay naging bahagi na ng ating kultura. At alam ba ninyo bago pa mandin nakadaong si Magellan sa Pilipinas, ang Todos Los Santos ay ipinadiriwang na sa maraming bansa Europa? Sa Britanya, ang mga Greko at ang mga unang Kristiano noong siglo 731.

Noon pa man pala ang paggunita sa mga santo at mga yumao ay ginanap sa maraming bansa sa kanluran tuwing Mayo 13, bukod sa bansang Ireland na ang Todos Los Santos nila ay sumasapit tuwing Abril 20. Binago lang at inilipat ng Papa sa Roma na si Papa Gregorio III sa pagitan ng taong 731-741AD.

Nitong makabagong panahong ito, sa bansang Pilipinas ang mga Katoliko lalo ay bumibisita sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay, nagdadala ng mga bulaklak at nagtitirik ng kandila bilang paggunita. May mga nagpapadasal at may nagpapabendisyon sa mga pare. Subali't mayroon din naman na nagpupunta sa sementeryo para magsaya. May namamadyong, nag-totongits, nagpipiknik at may videoke pa ngang dala ang ilan. Hindi na pwede ang mga ito ngayon. Ipinagbawal na. Hindi na pinahihintulutan ito ngayon.

Ang sagradong paggunita nitong Todos Los Santos ay sukat hindi nahahaluan ng mga ganyan. Nagiging re-union pa rin ng mga magkakamaganak. Naging pagkakataon pa rin na ang mga magkakaibigan na matagal ng hindi nagkita ay parang okasyon ng pagsasaya. Isang pang pag-uugali na kailangang na tanggalin sa atin ay yaong pagkatapos ng selebrasyon ng undas ay ang kalat na iiwan ng mga kababayan. Lilinisin kunwari ilang araw bago dumating ang araw ng undas, at pagkatapos ng paggunita makikita mo ang mga sementeryo ay animo'y smokey mountain. Kailan pa kaya tayo magbabago ng ugali?

Kung minsan, mapapakamot na lang ulo, at tuloy kung itong ugali ng mga ilang tindera sa atin ay ginagawa sa ilang bansa. Na tuwing sasapit ang undas ay bigla at sobra ang taas ng mga presyo ng mga bulaklak at kandila. Ok lang san kung halimbawa ay tataas ng mga sampu hanggang beinte porsyento. Pero Diyos por Santo. Mahigit na dalawang daan porsyento ang taas. Pagsasamantala sa publiko. Hindi maka-tao at lalo ng hindi maka-Diyos.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!