NOONG Miyerkules (November 3), mga sakong sibuyas na dapat sirain sa isang hazard/non-hazard waste disposal facility sa Porac, Pampanga ang diumano'y naipuslit.

Sang-ayon sa report ni Colonel Norberto Delmas, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU3), nakatanggap sila ng intelligence report na mayroon nangyayaring pagpupuslit ng mga sibuyas sa facility.

Ayon kay Delmas, kanilang isinalalim sa surveillance ang nasabing information na kung saan isang Wing Van truck ang kanilang namonitor na galing sa facility at kanilang naharang sa South Gate ng Clark Freeport.

Inaresto ang tatlong katao na lulan ng wing van truck na kinilala na sina Odeth Cabansag, 46, at Jeremy Valera, 43, kapwa ng Tondo, Manila at Jerry Tubie, 37, ng Calumpit, Bulacan.

Sang-ayon kay Delmas umaabot sa 250 sakong sibuyas ang laman ng wing van truck ang kanilang nadiskubre na kung saan walang kaukulan papeles.

Ang mga nasabing nakumpiskang sibuyas dapat kasama sa sinira na vegetables n noong Oktobre 26.

Ang ibig sabihin ba nito iyong mga sakong sibuyas ay hindi isanama sirain ng facility? Nagtatanong lang po...

Mukha yatang itinago muna ang mga nasabing sibuyas at ipinapuslit noong Miyerkules? Nagtatanong lang po...

Matandaan nakumpiska ng Bureau of Customs ng Subic ang mga sibuyas noong Oktobre 15 at dinala ang mga ito sa facility upang sirain.

Ang mga nasabing sibuyas ay ideneklara ng Department of Agriculture na hindi na ligtas kainin ng publiko kaya kailangan ng sirain.

Kung nakalusot ang 250 sakong sibuyas, tiyak maraming kababayan natin ang maaaring magkasakit.

Paano kaya nailabas ng tatlong naaresto katao ang mga sakong sibuyas sa facility? Nagtatanong lang po...

At sino o sino sinong kasabwat ng mga ito para mailabas ang sibuyas sa disposal waste facility?

Sabi nga ng mga police officer sa Dateline, tiyak na may kinalaman na ilang personnel sa facility upang mailabas ang nasabing sibuyas...

Alam kaya ng management ito? Nagtatanong lang po...

Ang masaklap nito baka hindi lang ang nakumpiskang sibuyas ang nailabas sa facility at marami ng nangyaring ganito hindi lang napag-alaman ito ng otoridad...

Abangan po natin kung anong gagawin aksyon dahil malaking kasiraan ito sa nasabing facility.