MATATANDAAN, lima ang kandidato Senior Police Officers bilang kapalit ni PNP Chief General Guillermo L. Eleazar.

Ang mga ito ay sina PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz; deputy chief for operations Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson; Lt. Gen. Dionardo Carlos; Maj. Gen. Vicente Danao Jr., director of the National Capital Region Police Office at ang dating PRO3 director, Brig. Gen. Valeriano de Leon. Ang lahat ng mga kandidato ay pawang Philippine Military Academy (PMA) graduate.

Sina Vera Cruz at Dickson ay kapwa PMA Class 87, mistah ni Eleazar samantalang si Carlos ay Class 88 at si De Leon ay Class 89. Si Danao ay Class 91 at matagal pa ito para magretiro kaya maaaring hindi ito mapili. Wala pang naging PNP Chief na umabot na dalawang taon mahigit sa kanyang termino.

Noong Nobiembre 13 ay nagretiro na si Eleazar at ang inapoint o napili ni Pres. Duterte ay si Carlos.

Maraming nagulat sa pagpili ni Pangulo kay Carlos dahil kung susundin ang seniority sa PNP sina Vera Cruz at Dickson ang senior sa kanya.

Baka ang naging batayan ni Pangulong Duterte ay ang haba pa ng serbisyo dahil si Dickson magreretiro ng March 27, 2022 samantalang si Vera Cruz ay March 8, 2022.

At si Carlos mayroon pa siyang anim na buwan para magserbisyo bilang PNP Chief. Siya ay magreretiro sa May 8, 2022. Karamihan sa mga naging PNP Chief kasalukuyan ay anim na buwan ang kanilang naging termino.

Dito sa PRO3 headquarters, Oktobre pa lamang ay naririnig ng Dateline na kung saan si De Leon umano ang malakas sa nasabing limang candidates for the Next PNP Chief. Ito dahil daw malakas si De Leon kay Davao Mayor Sara Duterte Carpio.

Kasama naman sa 5 Candidates si De Leon naging Major Gen. sa pagkakatalaga nito sa PNP Civil Secutiy Group at hindi na masama iyong dahil nasama siya sa kandidato.

Maraming police officers ang umaasa na si De Leon ang maaaring mapili ni Pangulong Duterte dahil naging Officer-In-Charge ito ng Davao City police at kilalang close friend ni Mayor Sara Duterte-Carpio. Si De Leon ay magreretiro pa ito sa May 7, 2023.

Matatandaan na ipinahayag ni Interior Sec Eduardo Ano na prioridad pa rin ang seniority, merit and service reputation sa pagpili ni Duterte na maaaring pumalit kay Eleazar.

Naging usap-usapan noon sa PRO3 headquarters na sana pagbigyan si Dickson as next PNP chief kung susundin ang seniority. Maaari ang naging dahilan ay wala na siyang anim na buwan para magsilbi bilang PNP Chief.

Sa pagkakapili kay Carlos bilang PNP Chief ay maraming nagulat na mga Senior Police Officers na kung tutuusin ay hindi ito matunog na papalit kay Eleazar.

Sino kayang malakas na "backer" ni Carlos at hindi umano mapahindihan ni Pangulo Duterte na maging 27th PNP Chief? Nagtatanong lang po...

***

Eleazar kandidato sa pagka senador

Biglaang pahayag ni retired PNP Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar para Senador, maraming nagulat na mga police officers?

Kahit na ang Dateline ay nagulat din sa pagkandidato ni Eleazar dahil ilang beses ko na siyang tinatanong na kung siya ay tatakbo para senador.

Ito ang madalas kong itanong kay Eleazar tuwing bibisita ito sa PRO3 headquarters sa Camp Olivas at palaging sagot sa aking ay magpapahingi muna ako Pare. Pare ang tawagan namin ni dating PNP Chief.

Sabi ko nga sa kanya, pare naka "weather" ka para kumandidatong senador kagaya ni Senator Rogelio "Bato" Dela Rosa. Tiyak na mananalo ka, sabi ko pa sa kanya.

Nguni't malimit na tugon sa Inyong Lingkod, pare pahingan muna ako at pagtutuunan ko muna ang aking pamilya dahil matagal na akong di nila nakasama sa bahay palagi lang ako sa opisina.

Gen. Eleazar asahan ninyo sir na kung todo ang ibibigay na suporta ng mga media personalities sa Central Luzon lalo na ang mga taga Camp Olivas.