Sapnu: Balasahan sa mga PDs, CDs inaasahan?

SA PAG-UPO ni Brigadier General (BG) Mathew Baccay bilang bagong regional director ng Police Regional Office-Central Luzon, inaasahan na ang gagawin nitong pagbalasa sa kanyang mga Provincial at City police directors.

Ito ang standard operating procedure (SOP) sa mga bagong umuupong mga PRO-Central Luzon director na malimit na nilang ginagawa dahil mayroon silang dalang mga "bata" para makaupo sa mga magagandang puwesto.

Unang nasampulan ay ang Provincial Director ng Tarlac police na si Col. Renante Cabico. Siya ay na-relieved noong November 1 at nagkataon uupo naman si BG. Baccay as PRO Central Luzon director.

Iyong din araw na iyon nagkaroon ng turn-over sa Tarlac police provincial office at si Colonel Erwin Sanque ang bagong PD.

Sang-ayon sa police officer, inaasahan pa rin ang pagbalasa sa mga susunod na buwan o bago mag-eleksyon.

Ang inaasahan pa gagawin pagbalasa ni Baccay ay iyong pagpalit ng Chief ng Regional Intelligence Division; Chief ng Comptrollership at ang Regional Logistics Research and Development Division.

Ito rin mga Staff Officers na maaaring palitan ni Baccay at kanyang iuupo ang kanyang mga "bata".

Abangan kung sino sino ang tatamaan sa pagbalasa sa mga PDs/CDs at Staff Officers.

***

Courtesy call sa mga gobernador sinimulan na ni BG Baccay

Noong Miyekules, sinimulan na ni Brigadier General Mathew Baccay, bagong Regional Director ng Police Regional Office Central Luzon.

Ito ang SOP sa mga bagong upong Regional Director ng PRO-Central Luzon na kung saan sa unang linggo ng kanilang pag-upo ay magsasagawa na ito ng kortisiya sa mga gobernador/gobernadora sa Central Luzon.

Dahil malapit lamang ang Pampanga sa Camp Olivas, unang nagkortisiya si BG. Baccay kay Gobernador Dennis "Delta" Pineda at maging kay bise-gobernadora Lilian "Nanay" Pineda.

Lahat ng mga gobernador/gobernadora ay pupuntahan ni Baccay kaya naman halos dalawa o tatlong linggo itong maglilibot sa Central Luzon.

Malimit na huling courtesy call ay ang lalawigan ng Aurora dahil ito ay malayo at kung minsan pa nga overnight siya doon.

Bago naman magkortisya si Baccay, ang kanyang mga Provincial o City Director ay makikipag-ugnayan muna sa kanilang gobernador at city mayor.

Kaya sure na madaratnan ni PRO-Central Luzon RD ang mga ito, ayon sa police officer.

Ang problema nito dahil sa May 2022 ay eleksyon na, kapag nabago ang mga gobernador tiyak babalikan ni BG Baccay upang mag-courtesy call.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph