ISINAMPA ng Philippine National Police (PNP) ang homicide laban kay Corporal Alvin Pastorin, 33, residente ng Barangay Pogombua Aguilar, Pangasinan, at nakatalaga bilang intelligence officer ng Bacolor Police Station.

Ito'y pagkatapos umanong mabaril at mapatay si Abelardo Vasquez, 19, ng Barangay Tramo, San Vicente, Bacolor.

Sa report ng Pampanga police noong Nobiyembre 21 nitong taon dakong 1:30 ng madaling araw nakatayo si Pastorin sa isang tindahan sa barangay San Vicente nang dumating si Vasquez at apat nitong kaibigan.

Kinompronta umano ni Pastorin ang mga ito dahil wala silang suot na facemask at pang-itaas na damit, ayon sa Pampanga police report.

Nagalit umano ang biktima kay Pastorin sa ginawa nitong paninita sa kanila, ayon pa rin sa police report.

Sa report ng Pampanga police, nagdesisyon si Pastorin na iwan na lang ang mga biktima at pumunta sa kanyang nakaparadang behikulo ilang metro ang layo sa tindahan.

Subali't ayon sa police report, ang biktima at mga kaibigan nito ay binato at inake ang police officer.

Sa report pa rin ng Pampanga police, sa patuloy na mauling nadapa sa lupa police officer at naisip nito na nanganganib na ang kanyang buhay binaril umano ito ang biktima.

Dinala kaagad ang biktima sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital nguni't ideklara itong di na buhay.

Inaresto naman kaagad si Pastorin ng Bacolor Police at doon siya naka-detained upang sampahan ng kaukulang kaso.

Sa panig ng ina ng biktima, dumepensa lamang ang kanilang anak pati ang kanyang mga kaibigan ng atakihin ng police officer.

"Imposible umano na kinuyog ang police officer at pinagbabato at bakit wala umano siyang mga pasa?"

Inakusahan pa ng ina na gumagawa lang umano ng kuwento ang police officer.

Kasabay nito, inatasan ni PNP Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos si Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa nasabing shooting incident sa Bacolor.

Bakit kaya mismong ang Chief PNP ang umaksyon kaagad sa nasabing shooting incident sa Bacolor at hindi ang PRO3? Nagtatanong lang po...

Bagong RC Highway Patrol Unit 3

Noong nakaraang linggo, itinalaga ng Highway Patrol Group si Col. Bernard Marzal bilang bagong Regional Commander ng Highway Patrol Unit-3 na nakabase sa Camp Olivas, Pampanga.

Pinalitan ni Marzal si Col. Andew Aguirre na kung saan halos mag-iisang taon na ang kanyang serbisyo.

Naupo si Marzal noong Nobiyembre 11 at maraming nagulat sa pagkaka-relieved kaagad ni Aguirre.

Sa unang araw ni Marzal sa HPU3, kanyang pinulong ang kanyang personnel.

Sa Inyong Lingkod, matagal ko ng kilala si Marzal noong pa termino ni Sr. Supt. Roberto "Bobby" Calinisan. Ang tawag namin sa kanya noon kay Calinisan ay Mr. Clean.

Si Marzal ay isa sa naging Aide Camp ni Calinisan noong 2001. Si Marzal ang ranggo niya noon ay Captain pa lamang.

Matagal din naging Aide Camp ni Calinisan si Marzal dahil umabot ng dalawang taon at kalahati si Mr. Clean bilang PRO3 director.

Si Calinisan pa lamang ang naging Regional Director sa kasaysayan ng PNP ang na-extend na anim buwan pagkatapos na kanyang mandatory retirement age na 56.

Kaya naman sa tagal ni Calinisan bilang PRO3 director ay matagal din ko nakasama si Marzal lalo sa mga lakad namin ng kanyang RD.

Sa iyo, Col. Bernard Marzal welcome back sa PRO3 headquarters at congrats. You deserve the post!