NANG maupo bilang Police Regional Office-3 (PRO3) director si Brig. Gen. Matthew Baccay dalawang Provincial Director ang kanyang ni-relieve.

Noong November 1, nang maupo si Baccay kasabay din na relieve sa kanyang puwesto si Col. Renante Cabico, Tarlac police provincial director.

Walang nakaka-alam sa mga reporter sa Camp Olivas na kasabay pala ng pag-upo ni Baccay ang pag-relieve kay Cabico. Noong araw din iyon nagkaroon ng change of command sa Tarlac police at si Col. Erwin Sanque ang pumalit bilang Officer-In-Charge.

At nitong nakaraang Biernes (Dec. 3) ni-relieve naman ni Baccay ang Zambales Police Provincial Director, Col. Romano Cardino.

Biglaang din ang ginawang pag-relieve kay Cardino at si Col. Fitz Macariola ang inipong bagong Officer-In-Charge ni Baccay.

Si Macariola ay ang dating commander ng Regional Mobile Force Battalion at nabibilang ito sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1996.

Ang dalawang ni-relieve na PD ay kapwa wala pang dalawang taon ang kanilang termino bilang Provincial Director kaya naman maraming police officer ang nagtataka sa biglaang pagka-relieved nilang sa puwesto.

Ang bagong itinalagang OIC sa Zambales at Tarlac police offices ay mga "bata" umano ni Baccay? Nagtatanong lang po...

Sino sino pa kayang mga provincial at city police directors ang susunod na maaaring ma-relieve? Nagtatanong lang po...

Abangan po natin ang susunod na reshuffle...

Abangan di po natin ang gagawin reshuffle ni Baccay sa kanyang mga staff. Sino sino kaya ang kanyang papalitan?

Tarlac Gov Susan Yap sa CAMI Media forum

Ipinagmalaki ni Gobernadora Susan Yap ang progreso at pag-unlad ng kanyang lalawigan simula nang maupo ito sa Capitolyo.

Maraming mga establistamento ang nagpatayo ng business na kung saan marami din mga Tarlaquenos ang nabigyan ng trabaho.

Hindi na daw mabilang ang mga nagpatayo ng mga negosyo sa lalawigan ng Tarlac sa kanyang termino, ayon pa kay Gobernadora.

Kung mayroon Community Pantries sa Metro Manila, inilusad naman ni Yap ang Community Farming na kung saan ang mga residente ay magtatanim ng iba't ibang gulay sa kanilang barangay.

Halos lahat ng barangay sa Tarlac ay nagsimula ng Community Farming lalo nang magsimula ang pandemic sa bansa.

Sang-ayon kay Gob. Yap, binibigyan ang sapat suplay na seeds at kailangan na kagamitan ang mga residente na gustong masama sa Community Farming.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang nasabing Community Farming, ayon pa kay Yap.

Kanya din pinagmalaki ni Gobernadora na halos 73 porsiento na ang nababakuna sa kanyang lalawigan at nahigitan na nito ang 70 porsiento.

Kaya naman sa loob ng tatlong araw hanggang nitong nakalipas na Biernes, Zero Covid cases ang lalawigan ng Tarlac.

Ito ang ipinahayag ni Gobernadora Susan Yap sa mga miyembro ng Capampangan In Media Inc. sa Weekly Regular Media Forum na ginaganap sa Clark Development Corp. (CDC) "Balitaan Bale Balita."