IKINAGULAT ng mga media practitioners sa Central Luzon ang ginawang pagbaril at pagpatay kay Jess Malabanan, correspondent ng Manila Standard.

Matatandaan binaril sa loob ng kanilang tindahan si Pareng Jess sa Calbayog, Samar noong Miyekules (Dec. 8) ng armadong lalaki.

Kahit na inyong lingkod ay hindi makapaniwala sa nangyari kay Pareng Jess.

Noong Miyekules na iyong maraming tumawag sa Dateline na mga kaibigan namin sa iba't ibang media outfit kung totoo binaril si Pareng Jess.

Maging ang mga miyembro ng Pampanga Press Club ay nagulat sa nangyari sa kanilang miyembro at hindi sila makapaniwala na bigla na lamang mawawala ang isa nilang miyembro.

Kaya naman mariin na kinondona ng PPC ang nangyari sa kanilang miyembro at nanawagan sila sa agarang hustisya.

Maging ang iba't ibang media sector ay kinondena ang pagbaril sa isa naman mediaman.

Inatasan naman kaagad ni Chief PNP Gen. Carlos si Brig. Gen. Matthew Baccay na imbestigahan nito ang pagbaril at pagpatay kay Pareng Jess.

Sa kasulukayan isang Special Task Force Group ang binuo ng PNP Chief upang magsagawa ng imbestigasyon sa nangyari pagbaril.

Sina pareng Jess, Rudy Abular ng Abante, the late George Hubierna ng People's Journal at ang inyong lingkod sabay sabay kaming nagkober sa Police Regional Office-3 noong 1989.

Sa Camp Olivas kami nagkakilala dahil palagi kaming nagkikita at kami ang pumalit kina the late, Fred Roxas ng PNA, Gerry Lacuarta ng Manila Bulletin, Ben Gamos ng People's Journal at si Rommy Dizon ng Manila Standard na nasa America na ngayon.

Sila ang tinagurian Big Four noon sa Camp Olivas dahil sila ang sikat noon sa PNP coverage sa kampo.

Matagal namin nakasama si Pareng Jess sa coverage sa Camp Olivas na kung saan ay nagbuo pa kami ng press corps na kung saan naging presidente ang inyong lingkod.

Noong nakokober pa si Pareng Jess sa Camp Olivas sa Dyaryo Bonga at ang huli nga sa Bandera.

Mahaba ang pinagsamahan namin apat noon kung saan saan kami nakakarating na mga Provincial Police Offices.

Sina Pareng Chris Navarro na nagsusulat noon sa Today at maging si Pareng Bernard Galang ng People's Journal na kapwa nagsimulang magkober sa Camp Olivas noong l995.

Sa pagkakaalam ng inyong lingkod wala naman kaaway o nakaaway si Pareng Jess simula nang makasama sa grupo kaya laking gulat namin sa nangyari sa kanya.

Panawagan ng iba't ibang sector ng media sa Central Luzon ang hustisya para kay Jess Malabanan.

Rest in Peace pareng Jess...