Sangil: Pasko at bagong taon parating na

PASKO na naman. Handa na ba kayo? Sana naman todong bye bye na si veerus, at pigilin ng Panginoong Diyos si Omicron. Ilang tulog na lang, parating na ang taong 2022. Sabi nga ng kaibigang Alex Caugiran, dumaan tayo sa matinding pagsubok nitong nagdaang dalawang taon. Many got sick, thrown out jobs and business losses.

Pero mayroon namang blessings na dumating, hindi po ba? Hindi natin namamalayang lumipas ang mga taon. Pagkatapos ng pasko, bagong taon naman. Hindi napapansin ng tao ang kaniyang pagka-tanda, dahil sa nakikita niya araw araw ang hitsura niya sa salamin.

Nitong modernong panahon, nitong internet age na kung saan mayroon ng celfone, may twitter, instagram, facebook, etc. napakadali ang bumiyahe pabalik ng nakaraan. Mag-download ng mga matatandang larawan at bigla mong maisip at ma-usal sa sarile’ parang kung kailan lang. Bawat tao ay may sariling kasaysayan. “Every man has his own story to tell.” At ang aking kasaysayan ay ikukwento ng mga larawan sa facebook. At kung sino man sa atin na may Facebook account, nandoon ang kwento ng kaniyang buhay.

Matutuwa ka o malulungkot ka pag tinitignan mo ang iyong mga kuhang larawan ng nagdaang panahon. Nandoon ang hitsura mo noong ikaw ay malikot na sanggol na siguro kuha pa ng letratista may talukbong sa ulo at pumuputok pa ang yaong flash bulb. Mapapangiti ka pag minamasdan mo ang larawan ng ikaw ay teenager at kasama ang mga kalaro at nagtatampisaw sa ilog dahil iyon ay Linggo at may piknikan. Kami sa ilog Porac na may kalaliman pa. Marami na sa barkada ko ang nangamatay na.

Malulungkot, baka mamalisbis ang luha mo sa magkabilang pisngi, dahil sa isang family re-union nagkaroon ng group picture na nandoon ang iyong magulang at mga kapatid. At mga larawan kuha pa ng mga nagdaang pasko. At iyong magulang ay nasa langit na, may iba ka pang mahal sa buhay pumanaw na. Mga kaibigan na wala ng pagkakataon na makikita mo pa. Larawang magbibigay ng saya at lungkot.

Pero talagang ganoon ang buhay. Laging hati. Yin and Yang, ika ng mga pilosopong intsik. Kung may araw, may gabi. Kung may kabiguan may tagumpay. Hindi pwedeng puro gabi at walang araw, hindi pwedeng laging panalo at hindi rin pwedeng palagi na lang bigo. Ang mahalaga harapin ang buhay ng puspos na pananalig sa Diyos at sa sarili.

Sabi ng mga Aetas sa bayan ng Porac, “Ing bulung, ustung menabu ya king gabun ala neng upayang magbalik pa.” Ang dahon daw ng isang halaman pag nahulog sa lupa ay wala ng pagkakataon pang mabalik sa puno.

Noong ang tao ay isilang, isang direksyon lang ang kaniyang patutunguhan. Ito ang pakikipag-tipan niya sa kaniyang lumikha. Ito ang wakas ng kaniyang paglalakbay sa daigdig na ito.Hindi man sukat katakutan ang wakas ng kaniyang buhay. “The greatest gift God has given to mankind is death.”

Kamatayan ang pinamahalagang regalo ng Panginoong Diyos sa atin. Ang malagim na katotohanan hindi na natin maibalik ang kamay ng orasan ng buhay, at pwede lang balikan sa pamamagitan sa pagtingin sa mga lumang larawan. Mga larawang sumasalamin sa naging takbo ng buhay mo. Sana walang pagsisisi. Mga sukat na ginawa ay ginawa. Naging mapagkapuwa tao. Hindi ka nang-agrabyado. Hindi inumit ang pera na para sa mahihirap.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph