NITONG pagpasok ng Disyembre, grabeng tapik na ang mararanasan ng mga motorista sa City of San Fernando (CSF).

Sa kahabaan ng MacArthur Highway mula sa St. Jude sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Sindalan ang grabeng trapik.

Ito'y naging grabe ang trapik nitong Kapaskuhan na kung saan sa dami ng mga behikulo ay naglipana sa kahabaan ng nasabing highway.

Simula natin, sa Barangay Dolores sa may St. Jude na kung saan doon nagsisimula ang isang traffic light, maraming behikulo ang natatambak doon dahil mukhang sira ang nasabing traffic light. Mayroon naman traffic enforcer nagsasagawa ng daloy ng trapik nguni't sa dami yata ng behikulo dumaan doon ay di kayang pangasiwaan.

Ang pangalawang traffic light nasa harapan ng Vista Mall ay nagiging sanhi ng grabeng trapik dahil mas matagal ang "go" nito nanggagaling sa loob ng mall.

Samantalang ang dumadaan sa highway ay matagal mag "go" kaya naman ang mga behikulo patungong Barangay Poblacion at Angeles City ay doon natatambak.

Kung minsan ay nagsisimula sa Barangay San Isidro hanggang sa traffic light sa Vista Mall ang haba ng trapik at ang dahilan dahil lang sa mga pumapasok sa mall na mukhang binibigyan ng "prioridad" ng otoridad.

Sabi nga ng mga motorista, malakas yata ang Vista Mall at binibigyan ng "prioridad" ang pagpasok ng mga behikulo.

Kung tutuusin hindi naman dapat lagyan ng traffic light sa harapan ng Vista Mall dahil hindi naman intersection ito. Nagtatanong lang po...

Ang pangatlong traffic light na grabeng grabe ang trapik ay iyong nasa Barangay Del Carmen. Ang dahilan ay ang sobrang tagal ng pagpalit ng go at stop.

Kaya tuloy kung minsan ang haba ng trapik doon ay simula sa may Barangay Sindalan kung pantungo ng city proper at sa Barangay Maimpis kung papunta ka ng Angeles City.

Ito ang itinuturing grabe trapik dahil "intersection" ito at maraming dumadaan na mga behikulo lalo na iyong mga gravel ang sand.

Dapat pag-aralan ng city traffic management, ang nasabing tatlong traffic light na kung saan nagiging sanhi ng grabeng trapik sa CSF.

Sabi pa ng mga motorista, nagmumukha na raw Metro Manila ng CSF.

Hangga't maaga dapat pag-aralan ng city traffic management ang lumalalang daloy ng trapik sa lungsod.

Abangan po natin ang aksyon ng CSF traffic management...

Bumabati ang Dateline sa mga readers ng MALIGAYANG PASKO at MANIGONG BAGONG Taon sa inyong Lahat....