NITONG pagsalubong sa Bagong Taon, walang iniulat na namatay dahil sa paputok o indiscriminate firing.

Ito ang ipinagmalaki ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director sa kanyang report nitong Enero 2.

Subalit mayroon iniulat na 15 injuries na naputukan ng firecracker sa Angeles City, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga.

Apat na sibilyan ang inaresto ng PNP dahil sa indiscriminate of firing at sila ay kinasuhan na, ayon pa kay Baccay.

Walong kataon din ang hinuli ng PNP dahil sa pagbebenta ng pinagbabawal na papututok.

Nitong taon ng pagsalubong sa Bagon Taon, walang gaanong gumamit ng paputok sa halip karamihan ay torotot kaya naman halos walang iniulat na firecraker related incidents sa Central Luzon.

Matatandaan pagpasok ng Disyembre, nag-umpisa ng magsagawa ng inspeksyon ang PNP lalo na ang Bulacan police sa mga pagawaan ng mga paputok at mga tindahan sa lalawigan partikular sa bayan ng Bocaue.

Maraming pagawaan ng firecracker ang kanilang sinita at binigyan ng warning dahil sa paggawa nila ng mga prohibited firecrackers.

Maging iyong mga tindahan ng mga pyrotechnics na nagbebenta ng bawal na paputok at hindi rin nakaligtas sa PNP. Ilan dito ang kanilang isinara.

Mabuhay ang PRO3 dahil zero fatality nitong Bagong Taon!