Sapnu: HPU3 hinuli ang may-ari ng SUV dahil umano'y di pagbabayad sa gasoline station

NITONG nakaraang Huwebes, nahuli ng mga operatiba ng Highway Patrol Field ang drayber at may-ari ng isang SUV na si Arvin De Luna, 42, ng Mansfield Subdivision, Angeles City.

Naging viral sa social media si De Luna, makaraan nitong umanong takbuhan ang gasoline boy pagkatapos nitong magkarga ito ng diesel sa kanyang SUV sa gasoline station sa Barangay Panipuan sa bayan Mexico.

Sa report ng pulisya, umabot umano sa P3,000 ang kinargang diesel sa behikulo ni De Luna.

Sa viral na social media, pagkatapos mag gas up itong si De Luna, biglang nitong pinahuhurot ang kanyang SUV at gulat na gulat ang gasoline boy.

Hinuli ng mga operatiba ng Highway Patrol Field ng Pampanga makaraang mapansin ang SUV na kaliwa't kanan itong nag-oovertake sa kahabaan ng Bonifacio Road sa Barangay Maragul, Angeles City.

Sang-ayon kay Marzal, bukod sa violation of reckless driving, wala pang face mask itong si De Luna at ang kanyang SUV ay masyadong dark ang tinted nito.

Napag-alaman sa Mexico Police station mayroon isinampang reklamo sa nasabing driver.

Sang-ayon kay Marzal, dinala si De Luna sa Pampanga Highway Patrol Field upang isailalim sa imbestigasyon.

Inimpound din ang SUV ni De Luna sa nasabing field office.

***

Binabati ng Dateline si Col. Romell Velasco sa bagong assignment nito bilang acting provincial director ng Bataan Police.

Si Velasco ay dating Chief ng Police Regional Community Affairs and Development Division (RCAADD) at naging commander din ng Bataan Provincial Mobile Company.

Mahigit dalawang taon din si Velasco sa (RCAADD) at marami din itong naging accomplishment sa kanyang tanggapan.

Kabilang sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class '96 si Velasco.

Col. Romell Velasco congrats!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph