MINADALI o hinabol ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang malawakang balasahan sa hanay ng mga provincial at city police directors.

Halos Linggo (January 9) na nang balasahin ni Baccay ang tatlong provincial at dalawa nanman na city police director.

Sa nakalap ng source ng Dateline, walang formal turnover ceremony na naganap sa mga nagpalitan ng puwesto.

Ang nangyari ay nag "assume" na lamang ang limang Colonel sa kani-kanilang mga puwesto. Hindi kagaya ng nakagawihan na tuwing nagpapalit ng mga Provincial at City police director ay formal na turnover ceremony at ito'y personal na dinadaluhan ng isang PRO3 director.

Unang napag-alaman ng Inyong Lingkod noong Sabado (January 8), si Col. Romell Velasco ay mauupong acting Provincial Director ng Bataan Police at papalitan nito si Col. Joel Tampis.

At maging ang Olongapo City police director na si Col. Eric Villanueva na wala pa itong isang taon sa kanyang puwesto ay biglaang pinalitan ni Baccay.

Si Col. Carlito Grijaldo ang pumalit sa puwesto ni Villanueva na ikinabigla din ng mga police officers.

Si Col. Rommel Batangan ng Angeles City police director ay pinalitan ni Col. Diosdado Fabian bilang acting City Director ng Angeles City police.

Si Col. Jess Mendez ang acting provincial director ng Nueva Ecija police at pinalitan nito si Col. Rhoderick Campo.

Pinalitan naman ni Col. Rommel Ochove si Col. Manuel Lukban ng Bulacan police provincial director.

Tatlong Provincial police director at dalawang City police director ang ni-resuffle ni Brig. Baccay bago sa araw ng start campaign period. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Sang-ayon sa report, ang ni-resuffle ni Baccay ay iyong mayroon ng isang taon na sa kanyang puwesto.

Di ba sir, two years ang term ng isang Provincial o City police director bago ito maaaring i-relieve? Nagtatanong lang po.

Sino pa kaya ang maapektuhan sa gagawing pang reshuffle ni Brig. Gen. Baccay? Nagtatanong lang po.

Sang-ayon sa source, ilan sa mga staff police officers ni Baccay ang kanyang papalitan at mukhang iyong mga "bata" umano nito ang iuupo sa mga puwesto.

Abangan po natin ang gagawin pang major revamp.