SA PAG-UPO ni Col. Bernard Marzal bilang Regional Commander ng Highway Patrol Unit-3, naging masigasig magtrabaho ang mga personnel nito.
Simula nang maupo si Col. Marzal walang humpay ang aksyon ng kanyang mga tauhan kabilang na dito ang pagsasagawa ng dialogue at pamimigay ng flyers sa mga TODA para palalahanin ang mga komunidad sa Covid-19 cases.
Patuloy din ang pagtugis ng HPU3 sa mga carnapper sa rehiyon na kung saan, kamakailan lamang apat na karnaper ang kanilang naaresto sa magkakahiwalay na lalawigan.
Kinilala ni Marzal ang mga naaresto na sina Joseph Marquera ng Bulacan; Arvie Flores at Marlon Cruz, kapwa ng Olongapo City at Jason Solano ng Zambales.
Si Marquera ay inaaresto ng Bulacan Highway Patrol Team dahil sa warrant of arrest for carnapping. Sina Flores at Cruz ay naaresto dahil sa pagnanakaw ng isang motorized tricycle sa Bajac-Bajac, Olongapo City.
Samantala si Solan ay naaresto sa Tarlac sa pagnanakaw ng isang Isuzu Elf.
At nitong Huwebes (January 19), dalawang katao na sangkot sa karnaping ang naaresto.
Sang-ayon kay Marzal, naaresto ng kanyang mga tauhan na si Christian Melieganio at narekober sa kanyang ang isang Ford Raptor na kanyang kinarnap sa parking garage ni Rommel Buensuceso ng Hagonoy, Bulacan.
Naaresto naman si Cezar Tamundong Jr., sa isang hot pursuit operation nang tangayin nito ang isang Yamaha RS motorcycle nakaparada sa Barangay A. Bonifacio, Llanera, Nueva Ecija.
Nauna dito ang may-ari ng Toyota Fortuner na si Arvin Luna ay nahuli din ng mga tauhan ng Pampanga Highway Patrol Team sa Angeles City dahil pag-overtake nito sa mga sasakyan.
Napag-alaman ng HPU3 na may reklamo pala sa Mexico Police na isinampa ng gasolinahan dahil matapos nagpakaraga ng diesel sa kanyang behikulo bigla inarurot at laking gulat ng gasoline boy.
Naging viral sa socila media ang nasabing insidente.
Ilan lamang sa mga accomplishments ng HPU3 regional commander Col. Marzal simula nang maupo ito.
Congrats Col. Bernard Marzal, iyan ang HPU3 commander...
Pampanga
Sapnu: HPU3 aksyon agad
January 21, 2022
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!