SA PAG-UPO ng tatlong bagong police provincial directors at dalawang city police directors, inaasahan na ang malawakang pagbalasa sa mga chief of police (COPs).

Ito ang SOP kapag bago ang mga nakaupong provincial directors at city directors, magasasagawa ang mga ito ng resuffle sa kanilang inabutan na COPs.

Sa tagal ng inyong lingkod nagkokober sa Police Regional Office-3 (PRO3) naooberbahan ko ang na ang mga "bata" police officers nang bagong upong directors ang kanilang iuupo.

At karamihan sa kanila may kasama sila mga "bata" para maupo nila bilang COP sa kanilang area of responsibility.

Sa kasalukuyan, wala pa naman na-resuffle na mga COP sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija at lungsod ng Angeles at Olongapo.

Malamang pinag-aaralan ng mga bagong upong director kung sino ang dapat nilang sibakin na COP. O dili kaya binigyan pa ng tatlong buwan ang mga COP na magbigay ng kanilang accomplishment e kung wala sila'y masisibak sa kanilang puwesto.

Bago magsimula ang election period, ang ginawa ni Brig. Gen. Matthew Baccay, PRO3 director, tatlong police provincial at dalawang city police directors ang kanyang ni-relieve.

Inuupo ni Baccay ang mga police directors na sina Col. Romell Velasco sa Bataan; Col. Rommel Ochave sa Bulacan; Col. Jess Mendez sa Nueva Ecija; at sina Col. Col Diosdado Fabian sa Angeles City at Col. Carlioto Grijaldo sa Olongapo City.

Abangan ang reshuffle ng mga COPs na gagawin ng mga bagong police directors.