Sapnu: Walong tauhan ng CIDU naaresto sa kasong robbery

NAGING "talk of the town" ang naganap na pag-aresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation Detection Unit-3 sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Jovit Culaway, bagong upong officer-in-charge.

Sang-ayon sa report, magkasanib na puwersa ng Angles City Field Office kasama ang Pampanga Provincial Field at ng CIDU3 nagresponde sa isang robbery sa isang bahay sa Diamond Village sa Barangay Balibago, Angeles City na kinakakasangkutan ng isang grupo ng armadong lalaki naka sibilyan at nagpapakilalang tauhan ng CIDU3.

Tatlong armadong lalaki ang inabutan ng raiding team ng CIDU3 sa harapan ng gate ng residential compound na pawang armadong ng pistola.

Inaaresto ng mga respondeng CIDU3 ang tatlo maging at lima pa iba sa loob ng nasabing bahay at doon na rescue ang pitong Chinese nationals and isang Filipino.

Narekober sa loob ng bahay ang 12 computers naka set-up sa Pogo operation at mga kagamitan, ayon sa report.

Napag-alaman ang grupo ng armadong lalaki ay miyembro ng Angeles City Criminal Investigation and Detection Field Office.

Ang mga naaresto at sinampahan ng robbery ay kinabibilangan ng isang police major hanggang sa ranggo ng patrolman.

Samantalang dalawang Chinese nationals na sina Tian Renjun 32; at Lin Bo Yu, 36 at Alvin Ng, 44, isang Filipino ang kasama hinuli ng CIDU3 na di-umano'y kasabwat ng CIDU Angeles City.

Ang mga na-rescue Chinese nationals ay sina Xiao Han, 34; Qi Chenze, 30; Wong Yow Hing, 33; Yang Hai Hong, 20; Ma Yun Xing, 35; Hong Zhu Ye, 28; at Yi Sheng Quian, 28; pawang nakatira sa Diamond Village.

Narekober sa compound ang isang Hyunai Starex (KO-D931), at isang Ford Raptor (DAJ-8235). Iba't ibang personal belongings na pag-aari ng mga Chinese nationals ang narekober sa loob ng nasabing behikulo.

Nakarekober din ang CIDU3 personnel ang halagang P285,500 at $539 US dollar sa mga naaresto.

Ang mga nahaharap sa kasong robbery ay sina Major Ferdinand Mana Mendoza, Staff Sgt Mark Anthony Iral, SSgt. SannyRic Alicante, Corporal (CPL) Kenneth Rheiner Delfin, CPL Richmond Francia, CPL John Gervic, Pat. Hermogenes Rosario Jr. at Pat. Leandro Veloso.

Kasong robbery ang kinahaharap ng mga naarestong CIDF personnel at nahaharap din ang mga ito sa kasong administratibo sa PNP.

Sa pahayag ni Chief PNP General Dionardo Carlos, tinitiyak nito na masisibak sa serbisyo ang mga sangkot sa robbery.

As command responsibility, sino pa kayang police officers maaaring ma relieve sa kanilang puwesto? Natatanong lang po.

Abangan po natin kung sino sino.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph