TARGET ng isang robbery/hold-up gang ang mga convenience stores sa Pampanga at Bulacan.
Ilan establistamento ng Alfa Mart stores ang tinarget ng mga suspek at hanggat ngayon wala pang nareresolba ang Philippine National Police (PNP) sa mga ginawang panloloob.
Sa nakalap na report ng Dateline, noong Enero 30, pinasok ng mga suspek ang Alfa Mart sa Barangay Longos, Pulilan, Bulacan. Sinira ng mga kawatan ang dalawang padlocks ng front roll-up door nito at pagkatapos tinangay ng mga ito ang P2,000 sa drawer; isang cashier monitor; cashier tablet; tatlong black label liquor, apat na red label liquor, tatlong majito gold liquor, dalawang Alfonso platinum at CCTV DVR memory hardware.
At nitong Miyerkules (February 2), sabay tinarget ng miyembro ng robbery/hold-up gang ang mga Alfa Mart sa Bulacan at Pampanga.
Nanakawan din ang Alfa Mart branch sa Barangay Tambubong, Bocaue, Bulacan. Sinira din ng mga suspek ang padlock ng roll-up door at doon tinangay ang dalawang cellpon, Gcash money at iba pa.
Isang suspek ang nang-holdup sa Alfa Mart branch sa Barangay San Pedro, Guagua, Pampanga. Pagpasok ng suspek, sabay bunot ng kanyang baril at ideklara hold-up. Umaabot sa P25,000 collection ang natangay ng mga suspek.
Sang-ayon sa intelligence officer ng Dateline, mayroon pa ibang sangay ng Alfa Mart sa Pampanga ang nahold-up na rin hindi lang narereport kaagad.
Karamihan sa mga Alfa Mart banches sa Central Luzon ay pawang security guard kaya madaling pasukin ng mga suspek.
Ano kaya ang reaksyon ng PNP sa mga nangyayaring robbery/holdup sa nasabing convenience stores? Nagtatanong lang po...
Pampanga
Sapnu: Robbery, hold-up sa mga convenience stores
February 04, 2022
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!