KAMAKAILAN, isang mahalaga o matataas na award ang iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Chief PNP General Guillermo Eleazar at tumatakbong senador nitong national at local elections sa May 9, 2022.
Philippine Legion of Honor na may ranggong commander ang ibinigay ni Pangulo kay Eleazar.
Malaking tulong sa kandidatura ni Eleazar ang ibinigay na award ni Pangulong Duterte.
Ang ginawang paggawad ni Duterte kay dating chief PNP nangangahulugan nito may tiwala siya sa kakayahan nito.
Ang Legion of Honor ay ang pinakamataas na award na iginawad ni Pangulong Duterte sa isang Pinoy na walang pagsang-ayon ng Kongreso.
Sa pagkaka-alam ng Dateline, marami ng awards natanggap si Eleazar sa kanyang serbisyo sa PNP, kabilang na dito ang naging Best Junior Officer noong chief of police siya ng San Pedro Laguna, naging Metrobank Awardee for Continuing Excellence in Public Service, TOP Philippine Military Academy (PMA) Cavalier at Civil Service Commissions Presdential Lingkod Bayan for National Capital Region Awardee at marami pang ibang awards.
Unang nakilala ng inyong lingkod si Eleazar noong naging Criminal Investigation and Detection Group-Central Luzon commander siya. Maganda ang pakikitungo ni Eleazar sa mga reporters na nagkokober sa Police Regional Office-3 (PRO3) sa Camp Olivas.
Kada Biernes, sinugurado nito na ako at mga kasamahan kong reporters na makipagkuwentuhan sa amin habang drinking coffee sa kanyang tanggapan sa CIDG3.
Pagkatapos nito sa CIDG3 ay na-assigned siya sa national headquarters Camp Crame at pagkatapos nito, naging chief siya ng Regional Comptrollership Division na kung saan palagi binibisita ng Dateline.
Ang natanggap na pinakamataas ng award ni Eleazar kay Pangulong Duterte bukod sa mga awards nito ay malaking tulong sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Nang marating ni Eleazar ang pinapangarap ng lahat ng mga police officer ang maging chief PNP, hindi nakalimot ito sa kanyang mga kaibigan reporters sa Camp Olivas dahil patuloy itong nakikipag-ugnayan.
***
Safe NLE 2022 inilunsad
Nitong nakaraang Miyerkules, inilunsad ng Police Regional Office-3 (PRO3) ang Safe NLE 2022.
Ang ibig sabihin ng Safe ay Secure, Accurate, Free and Fair Elections.
Ito'y dinaluhan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa eleksyon.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Col. Joseph Norwin Pasamonte ng Philippine Army, 703 commander; mga opisyals ng Comelec; PPCR/Namfrel, Religious leaders at iba pa.
Sa mensahe ni Brig. Gen. Matthew Baccay, PRO3 director, hinahangad nitong Safe NLE 2022 ang mapayapa at malinis na eleksyon.
Pampanga
Sapnu: Duterte binigyan ng pinakamataas na award si Eleazar
February 14, 2022
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!