Sapnu: Mga e-trike, motorized tricycle huhulihin?

Published on

NAWAWALA na sa kalsada ang kalesa o karatela bilang transportasyon ng mga Fernandino sa City of San Fernando at maging sa karatig na lugar.

Sa obserbasyon ng Dateline, bihira na akong makakita ng mga kalesa na nag-aabang ng mga pasehero sa kabesera ng lungsod.

Ang pumalit sa mga kalesa ay mga e-trike at motorized tricycle na kung saan naglipana na parang kabute sa City of San Fernando.

Sila ngayon ang naging transportasyon ng mga Fernandino kapalit ng mga kalesa.

Ang mga e-trike ay ginawang pampasada na kung saan naghahatid ng kanilang pasahero hanggang sa Barangay Sindalan o mahigit pa.

Ang mali dito, dumadaan sila sa Mc Arthur highway at kung minsan sila ay nasa gitna pa ng highway.

Ang masama pa sa kanila ay nakikipag-karera pa ang mga ito sa mga pampasahero jeepney sa kahabaan ng Mc Arthur highway.

Hindi nila alintana kung sila'y maaksidente basta ang alam ng mga drayber nito sila'y may katwiran na bumagtas sa highway.

Maging ang mga motorized tricycle ay walang alintana na bumabiyahe sa national highway.

Sino ba ang may karapatan manghuli sa mga e-trike at motorized tricycle na bumabiyahe sa Mc Arthur highway.

Alam naman natin ang mga drayber ng e-trike ay walang driver license at bawal na bawal bumagtas sa mga national highway.

Hihintayin pa ba natin magkaroon ng aksidente sa mga e-trike bago tayo gumawa ng aksyon? Nagtatanong lang po....

Sang-ayon kay Col. Bernard Marzal, Highway Patrol Unit-3 na nakabase sa Camp Olivas, kanilang sisitahin ang mga e-trike sa national highway dahil bawal ito sa batas trapiko.

Sana ipagbawal na ang bumibiyahe mga e-trike at motorized tricycle sa mga national highway.

Di ba ang mga motorized tricycle at e-trike ay sa mga barangay o subdivision maaarin bumiyahe? Bakit naglipana na ang mga ito sa Mc Arthur highway? Nagtatanong lang po.

***

Traffic light sa harapan ng Vista Mall nirereklamo

Maraming ng motorista ang nagrereklamo sa traffic light nakalagay sa may harapan ng Vistal Mall na pag-aari ng isang tumatakbong kandidato.

Simula nang itinayo ng Department of Public Works and Highways ang nasabing traffic light ay naging sanhi ng grabeng trapik sa lugar ng mall.

Ang trapik kung minsan magsisimula sa Barangay San Isidro hanggang sa harapan ng Vista mall.

Ang dahilan binibigyan ng prioridad ang mga behikulo papasok ng mall.

At madalas mas mahaba oras ng Go papasok ng Vista Mall at ang patungong City of San Fernando ay maiksi lamang.

Kung minsan naman naka stop ang mga patungong behikulo sa lungsod at naka Go naman ang papasok ng Mall pero wala naman behikuko pumapasok.

Bakit kaya di matagal tanggal ang nasabing traffic light na ito? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph