Sapnu: Online sabong at E-sabong naging kontrobersyal na?

NAGING usap-usapan ngayon ang online at e-sabong dahil sa nawawalang 31 na mga sabungero.

Halos umaabot ng isang buwan nang dinukot ang mga sabungero at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita o nahahanap ang mga ito. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Alam ng ating kababayan na ang may-ari o nagpapalaro ng online sabong ay isang big time na negosyante.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group sa pamumuno ni Major Gen. Albert Ignatius Ferro.

Ipinatawag na umano ni Ferro ang nasabing big time negosyante upang makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon, ayon sa police report.

Malaking maitutulong sana ang CCTV sa mga nasabing sabungan kung ang mga missing sabungero ay kinidnap o dinukot ng mga armadong lalaki.

Subali't ayon sa police report, hindi raw mahagilap ng CCTV ang nangyaring insidente.

At maging ang Senado ay nais na rin iniimbestigahan na ang missing sabungeros. Ito ang ipinahayag nina Senator Lacson at Senate President Tito Sotto dahil di raw biro ang 31 nawawalang sabungero.

Maging ang Commission on Human Rights ay pumasok na rin sa imbestigasyon ukol sa mga nawawalang sabungero.

Bilyones umano ang kinikita ng online at e-sabong ng nasabing big time negosyante.

Hanggang ngayon di pa rin nakikita ang mga sabungero at wala pa rin sinasampang kaso ang CIDG kung sino suspect o suspects ang dumukot sa kanila.

Sang-ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline, maraming na adik sa online o e-sabong sa Gitnang Luzon.

At parang kabuting nagsulputan sa establistamento at maging sa loob ng tindahan o bahay.

Kaya naman maraming kababayan daw natin ang na-adik dito dahil sa una ay panay ang panalo nila nguni't sa huli ay puro talo na, ayon sa mga police officer.

Mayroon nga daw na isang tumataya sa e-sabong ay nakabili ng bagong Yamaha Mio dahil sa katataya daw niya sa sabong. Dati raw isang SUV ang kanyang sasakyan nguni't naibenta niya dahil sa e-sabong kaya Yamaha Mio na lang ang kanyang behikulo ngayon....

Sa pagkawala ng mga sabungero, ibig umanong pasuspende ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Abangan po natin kung anong magiging aksyon ng PNP sa pagkakawala ng 31 sabungero at kung matutuloy pasuspende o ipasara ang online betting.

***

Ang bagong mga opisyales sa taon 2022 to 2024 sa Jose Abad Santos High School (JASHS) Class 1970 sa nangyaring eleksyon noong Pebrero 26: Danilo Galang, president; Mike Estacio, vice-president; Cristina Mole, secretary; Marcia Canlas, treasurer; Rebecca Caballa, auditor; Alegria Espinosa, PRO; at Amado Bais, sergeant at arms.

Ang board of directors ay kinabibilangan nina Willy De Leon, Elias Carreon, Renato Bais, Romeo Santos, Danilo Garcia, Edgar Sales at Romeo Rodriguez.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph