Sapnu: Big accomplishments ng HPU3 sa loob lamang ng 5 araw

ISANG malaking accomplishment ang anti-carnapping operation ng Highway Patrol Unit-3 (HPU3) sa pamumuno ni Col. Bernard Marzal, regional commander.

Sa pagkakahuli noong Martes ng limang katao, sangkot umano sa Rent Sangla Scheme ang kanilang naaresto sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ni Marzal ang mga naaresto na sina Jennelyn Godoy Esguerra, 33; Harvie Odin, 35; Lorenzo Sagayap, 32; John Ace Chavez, 22; at Carlo Etomay, 39; na pawang taga Bulacan.

Ayon kay Marzal isang Toyota Avanza (NGF 2944) at Mitsubishi Montero (CAR 8878) ang narekober sa kanila.

Sang-ayon sa report ang Toyota Avanza ay nirenta ng mga suspek noong Enero na pag-aari ni Monalisa Pajames, subalit napaglaman ng may-ari na isinangla nila ang behikulo.

Sa isinagawang follow-up operation ng HPU3, narekober pa ang Mitsubishi Montero na nirenta din ng mga suspek kay Ruvie Jane Amores na kanila din isinangla.

Sa patuloy na follow-up operation ng HPU3 noong Huwebes at Biernes, 12 behikulo sangkot sa Rent Sangla Scheme ang kanilang narekober sa Bulacan at National Capital Region.

Kabilang sa mga narekober ay ang Toyota Wigo (DAJ2386), Hyundai Accent (NFW6787), Toyota Wigo (CAK9393), Toyota Wigo (NEM1239), Toyota Rush (NDM5253), Mitsubishi Mirage (NAM6992), Toyota Innova (CAR2482), Mitsubishi Expander (NF 8207), Toyota Wigo (Conduction Sticker S1T120), Mitsubishi Mirage (CAO5554), Honda City (NFW7395), at Toyota Vios (ABI9606).

Ang matagumpay na operasyon ng HPU3 ay naging daan sa kanilang nahuling limang katao sangkot sa Rent Sangla Scheme na kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong karnaping.

Simula nang maupo si Col. Bernard Marzal bilang regional commander ng HPU3 marami na itong nagawa big accomplishments. Congrats Col! Sana tuloy tuloy ang iyong magagandang trabaho.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph