Sapnu: Quarry collections tumaas o bumaba?

ANO na kaya ang nangyari sa quarry collections ng Provincial Government?

Ito ang malaking katanugan ng ilan natin mga kababayan dahil halos dalawang taon na yata hindi nagbibigay ng kuwenta sa koleskyon sa quarry ang provincial government.

Dati dati, nagbibigay ng press release sa mga reporter ang kanilang Public Information Office (PIO) kung magkano ang kinikita ng quarry collections kada buwan.

Nakapagtataka lamang simula ng pandemic wala na yata ibinigay na kuwenta sa collections sa quarry, ayon sa mga kababayan natin.

Kung tutuusin, sa kasalukuyang malaki ang kinikita ng quarry dahil sa Build Build Build ng ating Pamahalaan. Di po ba? Nagtatanong lang po...

Sa ngayon, maraming pinagagawang mga national roads, highways at iba pa ang Department of Public Works and Highways kaya ang tingin ng mga kababayan natin ay lalong lumaki ang kita sa quarry collections.

Kung noon ilang milyon milyon ang collections sa quarry fees, baka sa ngayon ay aabot na sa bilyon dahil sa dami ng mga expressway, bridges at national highways sa bansa ang proyekto ng DPWH?

Matatandaan noong panahon ng dating gobernadora halos ilan milyon ang kinikita ng Provincial Government sa quarry collections, kada buwan.

At halos kada buwan ay nagbibigay ng press release ang PIO kung magkano ang quarry collections ng Provincial Government.

Bakit kaya ngayon ay walang press releases ang PIO tungkol dito?

Nagtatanong lang po...

***

ATM ng mga senior citizen nasaan na budget?

Ang mga senior citizens ay nakatanggap ng P500 sa City Government noong nakaraang taon.

Isang beses lang iyon nangyari at hindi na nasundan.

Ang pagkaalam ng mga senior citizen ay magtuloy-tuloy ang nasabing proyekto ng city government sa mga senior citizens subalit wala na yata.

Matatandaan noong nakaraang taon (Nov. or Dec.), namahagi ang city government ng mga ATM cards sa mga senior citizens.

Kaya naman noong Enero, sinubukan ng mga senior citizens ang ibinigay na mga ATM cards at pumunta sa LandBank nguni't ang laking gulat ng mga ito na wala pa raw pondo.

Bakit kaya ipinamahagi ng city government ang mga ATM cards kung wala naman palang pondo? Nagtatanong lang po...

Napag-alaman ng Dateline, hindi yata umano pumayag ang ilang mga city councilors sa nasabing proyekto.

At napag-alaman din na dalawa lamang sa kanila ang pabor sa proyekto.

Sino-sino kaya mga mga city councilors hindi kumporme sa ATM cards project at bakit naman hindi kayo pabor? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph