Sapnu: Tatlong PAGs sa Central Luzon?

SA ISANG panayam sa isang police officer, ipinahayag nito mayroon umano tatlong pinaniniwalang Private Arm Groups (PAGs) ang kanilang minomitor sa Central Luzon.

Sang-ayon sa kanya, dalawa umano sa lalawigan ng Nueva Ecija at isa sa Bulacan.

Subali't under monitoring daw ang mga ito dahil iyong iba nito ay nasa kulungan, ayon sa police officer.

Ang masama nito, ang mga nakakulong na miyembro nito ay maaaring makalabas sa pamamagitan ng "bail," ayon pa rin sa kanya.

Kaya maaaring magamit ang mga ito ng mga politiko na tumatakbo nitong May 9, 2022 election, ayon pa sa police officer.

Mahigpit na binabantayan ng PNP ngayon ang nasabing PAGs na maaaring gamitin nitong eleksyon ng mga politiko, ayon pa sa kanya.

Sa kasalukuyan, ayon sa police officer, wala pa naman silang natatanggap na report ukol sa tatlong PAGs.

Matatandaan kapag election period ang lalawigan ng Bulacan lalo na ang Nueva Ecija ay maraming election related incidents.

Halos dalawang national at local elections nakalipas ay walang nangyayaring harassment o shooting incidents sa Nueva Ecija at Bulacan.

Nitong ilang nakaraang buwan, dalawang shooting incidents sa San Simon at Bacolor ang naireport ng Pampanga Police.

Kaya naman nilinaw ni police officer na hindi election related incidents ang naturang insidente.

***

Isang colonel mailap sa media

Ilan reporter ang nagrereklamo sa isang colonel na mailap sa media people.

Tuwing bibisitahin umano siya ng mga reporter sa kanyang tanggapan ay pinasasabi na lamang nito sa isang pulis na may kausap itong importanteng tao.

At kung minsan naman ang direktiba nito ay pumunta na lamang sa kanyang Public Information Office kahit na siya ang kailangan ng mga reporter para sa interview.

Siya lang ang naiiba sa lahat ng colonel na naiiba, ayon pa sa kanila.

Kilala ba ninyo ang nasabing colonel na pinamumunuan ng isang police office?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph