Sapnu: Unang araw rally ng mga local candidates: 'Generally peaceful'

NOONG Biernes (March 25) ang unang araw ng kampanya ng mga local candidates sa Central Luzon.

At sang-ayon kay Brig. Gen. Mattew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ito'y naging "generally peaceful."

Walang untoward incidents naganap sa unang salbo ng mga local canditates sa rehiyon, ayon pa kay Baccay.

Dalawang linggo bago ang araw ng kampanya ng mga local candidates, pinulong ni Baccay ang lahat ng mga provincial at city directors upang maging alerto ang mga ito.

Maging sa mga motorcade ng mga kadidato ay may mga pulis at sibilyan pulis na nagmo-monitor dito, ayon pa kay Baccay.

Mahigpit din pinababantay ng PRO3 ang lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan dahil sa naganap na related elections incidents sa dalawang lalawigan.

Dalawang national at local elections ang nakakaraan ay wala pa naman nangyayaring karahasan sa dalawang lalawigan.

At dahil sa unang election period ng mga local candidates sa Central Luzon, lalong hinigpitan ni Brig. Gen. Baccay ang pagsasagawa ng PNP checkpoints sa pitong lalawigan at dalawang lungsod.

Ipinag-utos nito sa lahat ng mga provincial at city police director na araw at gabi magsagawa ng checkpoint upang matiyak na walang makakalusot na mga grupo na maaaring maghasik ng gulo.

Inaasahan ni Baccay na sana walang mangyayaring untoward incidents hanggang sa huling araw ng election campaignsa May 7.

Matatandaan kamakailan nagsawa ng kanya kanyang Peace Covenant ang mga local governments sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon.

DFA sa CSFP

Ang hirap kumuha ng appointment sa Department of Foreign Affairs office sa Robinson Starmills.

Ito ang sumbong at reklamo ng ilan nating Overseas Filipino Workers (OFW) na pumupunta sa DAF CSFP na kung saan madaling araw pa lamang nakapila na ang mga ito.

Ang reklamo nila (OFWs) ay tapos na raw ang quota nila ng nasabing araw at pinababalik na lamang sila kinabukasan.

Ang masama nito, pagbalik nila ay ganoon din ang naging sistema hindi sila umaabot sa quota.

Sa on-line appointment naman ng DFA ay sira daw umano.

Karamihan sa mga kumukuha ng appointment ay paalis na ng bansa nguni't dahil sa sistema ng DFA ay hindi sila nakaalis.

Ano ba ang nangyayari sa DFA? Nagtatanong lang po.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph