Sapnu: Kampanya sa droga ni BG Baccay

MUKHANG seryoso si Brigadier General Matthew Baccay, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, sa kanyang kampanya kontra illegal drugs.

Hindi na mabilang ang naaresto mga drug pushers ng iba't ibang Provincial at City police sa rehiyon.

Maging ang halaga ng illegal drugs na nakukumpiska ay hindi na rin biro dahil ilang milyong piso ang nakukuha sa mga drug pushers.

Nitong lang nakaraang Miyerkules (April 6) umaabot sa P20 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng Nueva Ecija police sa dalawang babae drug shabu pushers.

Sang-ayon sa report ni Baccay, isang anti-illegal drug operation ang isinagawa ng Nueva Ecija police drug enforcement unit at Criminal Investigation and Detection Unit-Central Luzon laban kina Sittie Pindatu, 30, at No-an Bilal, 26, kapwa taga Cavite City.

Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay Sumacab Este, Cabanatuan City na kung saan inaresto ang dalawa pagkatapos ng buy-bust operation at nakumpiska sa kanila ang dalawang cellpones, 10 pirasong sachet ng shabu na tumitimbang ng tatlong kilo na umaabot sa P20,400,000.00 at P1,000 marked money.

Sa araw ding iyon, umaabot sa P400,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong naarestong drug pushers sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Paltao, Pulilan, Bulacan.

Isang kalibre .38, 10 sachets ng shabu na 58.23 grams halagang P395,964.00 ang nakumpiska kina Luthgard Abesamis; Ferdie Sultan at Erwin Joson.

Hindi na biro biro ang halagang nakukumpiskang illegal drugs sa mga naarestong shabu pushers...

Sang-ayon kay Baccay, hindi titigil ang PRO-Central Luzon sa kampanya sa illegal drugs at lalo nitong papaigtingin ang anti-illegal operations sa rehiyon...

Abangan po natin ang kampanya ni BG Baccay sa illegal drugs... at kailan kaya ito ganap na masusugpo? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph