SIMULA noong Linggo, nasa full alert status ang buong kapulisan ng Police Regional Office-3 (PR03) dahil sa Holy Week.
Sang-ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, PRO3 director, ipinatutupad na rin ang Implan Ligtas Summer Vacation (SUMVAC) dahil sa pagdagsa ng mga kababayan natin mula sa Metro Manila pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
Mayroon mga pulis nakadeploy sa iba't ibang national highway upang mabantayan ang kaligtasan ng mga commuters.
Inaasahan ang pagdagsa ng marami pampasaherong bus at pribadong behikulo sa mga national highway na maaaring maging sanhi ng pagsikip ng trapiko at iyong ideploy na mga pulis ang mangangasiwa ng daloy ng trapiko, ayon pa kay Baccay.
Kasama ng mga pulis ang miyembro ng Highway Patrol Unit-3 sa pamumuno ni Col. Bernard Marzal sa pagsasa-ayos sa daloy ng trapiko, dagdag pa ni Baccay.
13 porsento ang ibinaba ng krimen sa Central Luzon
Pinagmalaki ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang pagbaba ng crime rate sa Central Luzon sa 1st quarter ng taon.
Sang-ayon kay Baccay, kumpara noong Enero hanggang Marso 2021, bumaba ang krimen ng 1,328 mga kaso o 13.04 porsento sa unang quarter ng taon ngayon.
Batay sa Crime Information Reporting and Analysis System, umaabot sa 8,858 crime incidents ang naireport simula nitong Enero hanggang Marso kumpara noong 2021 na kung saan umaabot sa 10,186 na mga kaso ang naiulat.
Sa pamamagitan ng anti-criminality na ipinatutupad ng PRO3 lalo na sa illegal drugs bumaba ang krimen sa rehiyon, dagdag pa ni Baccay.
Congrats sir sa pagbaba ng krimen sa rehiyon. Sana tuloy-tuloy itong bumaba.
Pampanga
Sapnu: Central Luzon police nasa full-alert
April 11, 2022
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!