Sapnu: Mga baril, bala at subversive documents nadiskubre sa bayan ng Porac

Published on

ISA naman dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad nitong Biernes Santo.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, sa pagsuko ni alyas Pio dating miyembro ng Militia ng Bayan NPA ay kanyang inihayag na mayroon mga baril, mga bala at subersibong documento ang nakatago sa Barangay Planas sa bayan ng Porac, Pampanga.

At nang puntahan ng mga otoridad ang nasabing lugar kanilang narekober ang limang kalibre .32 rifles, dalawang 12-gauge shotgun. tatlong kalibre .38, mga bala at mga subersibong documento.

Sang-ayon kay Baccay nanalo ang pamahalaan laban sa mga terorista dahil sa pagsuko ng maraming dati at aktibong NPA members.

Nitong Huwebes at Biernes Santo, 16 na katao kabilang ang apat na sabungeo ang iniresto ng PNP na sangkot sa illegal gambling.

Ang pagkaka-aresto ng 16 katao ay dahil sa patuloy ng PRO3 sa kampanya sa ilegal na sugal sa Gitnang Luzon.

Ang mga naaresto ay apat na sabungero sa San Jose Del Monte City, Bulacan; 8 katao naglalaro ng kara krus at apat naglalaro ng tong-its sa Abucay, Bataan.

Nakumpiska sa kanilang ang tatlong sets ng playing cards, dalawang pangsabong na manok at P3,297 na cash.

Sang-ayon kay Baccay kanila pag-iigtingin ang kampanya sa illegal gambling upang ganap na masugpo ito.

Ito ang ipinagmamalaki ni PRO3 director na kahit Holy Week ang kanyang PNP personnel ay nagtatrabaho.

Mga bagong upong PD at HPU3 commander

Sa pagbisita ni Chief PNP General Dionardo Carlos sa PRO3 headquarters sa Camp Olivas, maraming nagulat sa kanyang ginawang pagtatalaga ng mga bagong ng Highway Patrol Unit3 commander.

Ang bagong talagang Highway Patrol Unit3 commander ay si Col. Roldan Luna. Pinalitan nito si Col. Bernard Marzal na kung saan ilan buwan pa lamang itong nakaupo.

Maraming nagtatanong mga police officers kung bakit biglaan ang pagkakatalaga ni Luna sa HPU3 kung tutuusin marami nagawang big accomplishments si Col. Marzal. Nagtatanong lang po...

Si Col. Alvin Ruby Consolacion ang bagong talagang Pampanga Police acting provincial director siya ang pumalit sa sinibak na si Col. Roderick Sarmiento.

Dahil sa agarang pagsibak kay Sarmineto, itinalaga ni Brig. Gen. Matthew Baccay si Col. Jonas Amparo bilang Officer-In-Charge.

Sang-ayon sa Intelligence Officer ng Dateline, si Col. Consolacion ay dating personnel ni Chief PNP nakatalaga sa kanyang tanggapan.

Ang dalawang nabanggit na Colonel ay itinalaga kahit na dapat walang movement of police officers dahil sa eleksyon.

Ang mga nabanggit na bagong upong colonel mayroon kaya silang "clearance" sa Comelec? Nagtatanong lang po...

SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph