Sapnu: 51 areas of concern sa Central Luzon

UMAABOT sa 51 ang election areas of concern sa Central Luzon nitong eleksyon 2022.

Ito batay sa data record ng Police Regional Office-3 (PRO3), ang election areas of concern sa lalawigan ng Nueva Ecija ay mga Lungsod ng Cabanatuan, Palayan at San Jose; mga bayan ng Cabiao; Cuyapo; Carranglan; Gabaldon; Gen. Tinio; Guimba; Laur; Licab; Llanera; Lupao; Nampicuan; Pantabangan; Penaranda; Quezon; Rizal; San Isidro; Sta. Rosa; Talugtog; at Zaragoza.

Sa Bulacan ay ang mga bayan ng Marilao; San Miguel; Guiguinto; San Rafael; Dona Remedios Trinidad; at San Ildefonso.

Sa Pampanga, kabilang ang City of San Fernando, Apalit at Mexico. Sa Tarlac ay ang at Paniqui, Mariveles sa Bataan at Olongapo City sa Zambales.

Ang Election Areas of Immediate Concern sa Bulacan ay San Jose Del Monte at Baliuag; sa Nueva Ecija ay ang Gapan City at Munoz City kasama ang mga bayan ng Aliaga; Bongabon; Gen. Natividad; Jaen; San Antonio; San Leonardo; Sto. Domingo at Talavera.

Ang mga bayan ng Botolan at San Felipe sa Zambales; Camiling sa Tarlac; Maria Aurora sa Aurora at Limay sa Bataan ay kasama din.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Mattew Baccay, wala naman Election Areas of Grave Concern sa rehiyon.

Pinag-utos ni Baccay sa mga provincial at city police director na i-monitor ang lahat ng nasa Election Areas of Concern lalo na ang nasa list ng Election Areas of Immediate Concern.

Ang mga nabanggit na Election Areas of Concern ay binatayan ng PNP sa mga nakaraang eleksyon at sa intellgence report, ayon pa kay Baccay.

Inaasahan ni Brig. Baccay na magiging clean, honest at peaceful election nitong nalalapit na Mayo 9, 2022.

***

Motornappers arestado sa Bataan

Anim na pinaghihinalaang mga notorious motornapper ang naaresto ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno ni Col. Romell Velasco.

Ang mga naaresto ay sina Millete Gotiz at Alias Tin, kapwa ng Barangay Baruya, Lubao, Aron Magpantay, ng Barangay Centro Pelagsan, 21, ng Apalit, pawang sa Pampanga; Alias Kahlil, John Paul Santiago, at Bernard Santiago, pawang sa Barangay Cataning, Bataan, ayon kay Velasco.

Narekober sa kanila ang apat na motorcycles, magwheels at GB Box. Ang mga suspek ay nahuling na aktong nadi-dismantle ng mga motorsiklo.

Sa illegal drugs campaign ni Col. Velasco ay hindi na rin mabilang ang mga naarestong drug personalities sa iba't ibang buy-bust operation ng iba't ibang police station ng lalawigan ng Bataan.

Nang maupo si Velasco sa Bataan Police marami na itong naging "big accomplishments" kaya naman saludo kami sa inyo sir!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph