Sapnu: PRO3 personnel nag-cast ng kanilang boto

Published on

UMAABOT sa 2,053 Philippine National Police (PNP) personnel sa Police Regional Office-3 (PRO3) ang nag-cast ng kanilang boto.

Nagsimula ang casting ng kanilang boto noong Miyerkules. Ito'y bilang absentee voting sa mga government employees, ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, PRO3 director.

Mayroon mga PNP personnel nakatalaga sa PRO3 na taga Apayao, Benguet, Samar at Lanao Del Norte, ayon pa kay Baccay.

Alangan naman uuwi pa sa kanila ang mga ito para lang bumoto.

Sang-ayon pa kay Baccay, ang mga personnel ng Regional Mobile Force Battalion-3 at ng Regional Headquarters ay sa Bale Katimawan sa Pampanga Police Provincial Office sila nag-cast ng kanilang boto.

Samantala, ang PRO3 at Regional Special Operations Task Group (RSOTG) at Election Monitoring System (EMS) ay activated na.

Sang-ayon kay Baccay binuo nila ang RSOTG upang imonitor ang election-related concern kabilang ang pagsasagawa ng checkpoints at pag-inspeksyon.

Inaasahan ni PRO3 director na magiging tahimik at maayos ang gaganapin na eleksyon sa Mayo 9 sa Central Luzon.

***

Si General Guillermo Eleazar ang siga ng Senado na kung saan ipaglalaban nito ang mahabang validity ng lisensya at mas maraming incentive para sa mga security guard.

Kanya rin ipaglalaban sa Senado ang libreng health at life insurance sa mga barangay tanod na siyanng katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan ng pamamayan.

Kanya din ilalaban sa Senado ang proteksyon ng kababaihan laban sa karahasan, maging ang modernization ng mga kagamitan ng sundalo at pulis para makatulong sa paglaban sa terorismo.

Ilalaban din ni Eleazar sa Senado na matulungan bumangon ang mga maliliit na negosyong pinadapa ng pandemya at ng iba pang krisis s bansa.

Ilang lamang ito ang ilalaban ni Gen. Eleazar sa Senado kapag nagging Senador na ito sa May 9, 2022. Good luck, sir!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph