Sapnu: E-Sabong pinahinto ni Pres. Duterte

NOONG Martes (May 3), ipinahinto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online sabong o e-sabong sa buong bansa.

Matatandaan na ayaw ipahinto ni Duterte ang E-Sabong dahil malaki ang kinikita revenue para sa pamahalaan.

Nguni't nitong Martes, maraming nagulat na mga kababayan natin makaraang ipag-utos nito ipatigil ang nasabing on-line sabong.

Sa kanyang pahayag, sang-ayon sa kanya sumusunod lamang siya sa rekomendasyon ni Interior and Local Secretary Eduardo Ano.

Maraming nababalitaan umano ang Pangulo nakakasira ito sa pamilya dahil nauubos ang kita ng mga ito dahil sa pagkatalo sa e-sabong.

Dahil sa E-Sabong, 30 katao ang kinidnap at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.

Ang e-sabong ay isang uri ng on-line gambling na ang may-hawak ng lisensiya ay ang Pitmaster Live na pag-aari ni Atong Ang.

Marami na rin mga kabataan ang nalululong sa E-Sabong kaya dapat na itong ipatigil, ayon sa mga kababayan natin.

Kaya naman sa ginawang kautusan ni Pres. Duterte ang operasyon ng e-sabong ay illegal na kaya maaari itong ipasara ang establistamento at hulihin ang nag-ooperate nito.

Nang tanungin ng inyong lingkod si Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director kung ano gagawin nilang aksyon sa mga nag-ooperate pa ng E-Sabong, ang sagot niya hinihintay pa nila ang "guidelines" mula sa higher-up.

Ilan mga kababayan natin ang nalulong o naging adik sa E-Sabong simula nang ito'y nag-operate.

Mayroon na rin mga kababayan natin ang nagka-utang-utang sa E-Sabong at iyong iba nagsangla na kanilang kagamitan upang makabayad at makapaglaro ulit.

Sa pag-hinto ng E-Sabong, maraming pamilya ang natutuwa dahil iyong kita o sahod ng kanilang mga asawa ay hindi na mababawasan.

Dahil ba malapit na bumaba si Pres. Duterte kaya nito pinahinto ang operasyon ng E-Sabong? Nagtatanong lang po...

Ang magiging susunod na President ano kaya ang magiging plano nito sa E sabong? Nagtatanong lang po...

***

9,000 PNP personnel idedeploy ng PRO3

Umaabot sa 9,000 PNP personnel ang idedeploy sa Central Luzon, sang-ayona kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Nitong Lunes, isinagawa ang send-off ng mga personnel sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon, ayon pa kay Baccay.

Dalawang PNP personnel ang itatalaga sa bawat Polling Centers, ayon naman kay Deputy Regional Director for Operations, Col. Jonas Amparo.

Bukod dito, mayroon din mga PNP Patrol Mobile ang mag-iikot upang matiyak na magiging peace and order ang elections, ayon pa kay Amparo.

Maging ang Regional Monitoring Elections Centers sa PRO3 headquarters ay naka activate na rin.

Inaasahan naman ni Baccay magiging maayos at tahamik ang darating na eleksyon nitong Lunes.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph