Sapnu: Destiny ba ni Ate Vilma maging city mayor?

HINDI akalain ng maraming Fernandinos/Fernandinas na isang babae ang magiging mayor ng City of San Fernando.

Laking gulat ng mga kababayan natin ang naging resulta ng eleksyons sa lungsod.

Maraming umano kababayan natin ang nagtaka sa pagkapanalo ni First Lady City Mayor Vilma Caluag.

Sa kasaysayan ng San Fernando, wala pang naging babaeng mayor at ito ngang si Ate Vilma ang naka-Break nito.

Kung tutuusin hindi umano nangampanya si Ate Vilma at samantalang ang katunggali nito na sina Engr. Rosve Henson at Vice-Mayor Jimmy Lazatin ay masigasig ang kanilang pangangampanya sa lungsod.

Sina Henson at Lazatin ay naging talk of the city na sila ang maglalaban sa pagka-alkalde dahil marami silang mga leaders at suporters.

Talagang si Engr. Henson ang naririnig ng Dateline na bibitbitin ng mga local leaders at lalo na ang Kapitolyo. Kaya nang manalo si Ate Vilma ay nagulat din ang inyong lingkod.

Itong si Henson ang umano'y malakas na mananalo sa nakaraang eleksyon kaya laking gulat ng karamihan ng mga kababayan natin ang nagtaka at nagulat sa pagkapanalo ni Ate Vilma.

Matandaan noong 2019 local elections, tumakbo din si Ate Vilma pero hindi ito nanalo kay re-electionist Mayor Edwin Santiago. Malaki ang lamang ni Santiago sa nasabing eleksyon.

Karamihan sa mga Fernandinos/Fernandinas ang bumoto umano kay Ate Vilma kaya ito nananalo? Nagtatanong lang po...

O dili kaya, ibig maiba ng mga kababayan natin ang administrasyon ng isang babae at baka mas maganda ang kanyang pamamalakad.

Ano kaya ang sikreto ni Ate Vilma kaya siya nanalo? Nagtatanong lang po...

Elections sa CL peaceful and orderly – Baccay

Naging tahimik at maayos ang isinagawang National at Local Elections sa Central Luzon, ayon kay Brig. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Bagama't ilang araw bago ang eleksyon, isang kanditato sa City Councilor ang pinagbabaril ng dalawang motorcycle riding-armed men sa Barangay Magliman.

Ilang araw bago ang elections, limang security personnel ang sugatan matapos ang isang shooting incidents sa Barangay Concepcion, General Tinio. Securiy personnel umano ni Mayoralty Candidate Virgilio Bote ang mga sugatan.

Sang-ayon kay Baccay, umaabot sa 19 katao ang ang inaresto sa nasabing shooting incident.

Walong security personnel ang inaresto ng PNP matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang kandidato ng San Antonio, Nueva Ecija. Nangyari ang tensyon nang magkasalubong ang mayoralty candidate na sin Arvin Salonga at Agripinio Javier sakay ng iba't ibang behikulo na may blinker pa.

Iyon naman binabantayan ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno ni Col. Romell Velasco na dalawang bayan sa kanyang area of responsibility na nasa elections area of concern ay wala naman nangyari noong elecksyon.

Sa pamumuno ni Velasco naging peaceful and orderly ang elections sa Bataan. Congrats col!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph