Kampanya ng PRO-Central Luzon laban sa illegal gambling patuloy

TULUY-TULOY ang kampanya ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon laban sa illegal gambling.

Sa katunayan, ayon kay Brigadier General Matthew Baccay ng PRO-Central Luzon, umaabot na sa 3,978 katao sa Gitnang Luzon ang nahuhuli simula noong Enero nitong taon hanggang kalahating buwan ng Mayo.

Ito, aniya, ang resulta ng 886 anti-gambling operations na isinagawa ng iba't ibang provincial at city police directors.

Sa kanilang operasyon, ayon kay Baccay, umaabot naman sa P1.35 milyon halaga ng cash bets ang nakumpiska sa loob ng limang buwan.

"Ipapatupad ko ang One Strike Policy sa mga police directors at chiefs of police kapag mayroon akong nakitang illegal gambling operations sa inyong area of responsibility," dagdag pa ni Baccay.

Binalaan din ni Baccay ang mga police personnel na masasangkot sa illegal gambling na kanyang bibigyan karampatan kaso.

"Ang sinumang PNP (Philippine National Police) personnel ang nasangkot sa illegal gambling ay aking sisibakin sa puwesto, " ayon pa kay PRO-Central Luzon director.

Ipapatupad kaya ni Brigadier General Baccay ang "One Strike Policy"? Nagtatanong lang po...

***

GCMC parking may bayad

Sa lahat ng mga ospital sa Pampanga, bukod tangi ang Green City Medical Center (GCMC) dahil ito ay may parking fee.

At take note, kada isang oras, ang parking fee ay P20. Kaya kung umabot ka ng tatlong oras sa parking ng GCMC, bayad ka ng P60.

Ang masaklap nito, mayron ka ng pasyente sa kanilang ospital sisingilin ka pa rin ng GCMC management. Ibig bang sabihin nito ay wala silang pakialam kung may pasyente sila?

Noong nakaraang linggo, si misis ay na-confine sa GCMC ng halos apat na araw. Kada labas ng Dateline sa kanilang parking lot ay may katumbas na bayad.

Biro mo, magbabayad ka na sa kanilang ospital, magbabayad ka pa sa kanilang parking lot.

Ang masama pa dito, wala naman silang binibigay na resibo sa parking lot.

Ang daming ospital sa Pampanga, tanging ang GMCC ang may bayad sa parking lot.

Di po ba doble kita ang ginagawa ng GMCC? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph