MATANDAAN noong Mayo 3,2022 ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Kaya naman noong nakaraang Huwebes, inatasan ni Brigadier General Matthew Baccay, Police Regional Office (PRO) Central Luzon director ang lahat ng mga provincial at city police directors na i-monitor ang operasyon ng e-sabong sa kanilang area of responbility.

Kanyang sinabihan ang lahat ng mga police director sa Central Luzon na ipahinto o ipasara ang lahat ng nag-ooperate ng e-sabong.

Sang-ayon kay Baccay, kanyang din sinabihan ang lahat ng olice directors at chiefs of police na i-monitor ang kanilang mga personnel kung nasasangkot ito sa e-sabong.

Sa kasalukuyang wala pa naman inirereport kay Baccay na may PNP personnel nasasangkot sa operasyon ng e-sabong.

Binalaan din ni Baccay mga PNP personnel na huwag maglaro o tumaya sa E-Sabong lalo na iyong kumukuha ng protection money sa nasabing online gambling.

Ang sinumang operator ng e-sabong na patuloy nag-ooperate ay kanyang pa-aaresto at sasampahan ng karampatan kaso.

Sang-ayon pa kay Baccay, ang sinumang PNP personnel nasasangkot sa operasyon ng e-sabong kanya din kakasuhan at maaari pa itong madismis sa serbisyo.

Dapat maging iyong mga sari-sari store at mga bahay na mayroon E-Sabong operation noon, dapat din i-monitor ng PRO3 dahil tagong-tago ang mga ito.

Sana tuloy tuloy ang gagawin pag-monitor ng PRO Central Luzon sa operasyon ng e-sabong sa Central Luzon at tiyakin na walang makakalusot na posibleng patagong operasyon nito.

Lahat ba ng mga establistamento ng e-sabong ay napatigil na ang kanilang operasyon ng PRO Central Luzon? Nagtatanong lang po...

Sana hindi "ningas-cogon" ang nasabing kautusan.

*****

Traffic light sa harapan ng Vista Mall

Ano kaya ang pakay ng traffic light sa Vista Mall na nasa kahabaan ng MacArthur highway sa Barangay San Agustin?

Ito ba ay upang bigyang prayoridad ang pumapasok na mga sasakyan sa kanilang mall? Nagtatanong lang po...

Kung tutuusin hindi naman dapat magkaroon ng traffic light sa nasabing mall dahil hindi naman ito intersection. Di po ba? Nagtatanong lang po...

Alam naman po natin na hindi ang City Government of San Fernando ang nagtayo o naglagay ng traffic light.

Siguro alam ninyo kung sino ang nag-utos at gumastos sa pagtatayo ng traffic light.

Dahil sa nasabing traffic light, nagiging sanhi ito ng mahabang trapik lalo sa rush hour.

Marami ng motorista ang nagrereklamo sa nasabing traffic light subalit walang ginagawang aksyon ang nagtayo nito. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...