Sapnu: Alfa Mart nilooban na naman.....

HINDI na bago ang pangloloob sa Alfa Mart isang convenient store na kung saan malimit itong pasukin ng mga motorcycle-riding armed men.

Karamihan target ng mga riding-armed men iyong sangay ng mga Alfa Mart.

Matandaan simula ng buwan ng Enero, dumarami na ang pangloloob sa nasabing Mart na di umano pag-aari din ng SM,

Sa report ng Police Regional Office-3 (PRO3) ang mga nilooban na sangay ng Alfa Mart kabilang na ang Magalang, Mabalacat, Apalit, Guagua at iba pang mga bayan sa Pampanga.

Nilooban na rin ng mga kawatan ang dalawang sangay nito sa lalawigan ng Bulacan mga ilan buwan na ang nakakaraan.

Ang latest na police report ay nitong buwan ng Mayo, ang sangay ng Alfa Mart sa Barangay San Antonio sa bayan ng Mexico ay nilooban ng riding-in-tandem armed men.

Dakong 7:55 noong Mayo 22, pinasok ng dalawang armadong lalaki riding-in-tandem ang Alfa Mart sa nasabing bayan ng dakong 7:55 p.m., at nakatangay ng Pho60,000.00.

Ang mga robbers nakasuot ng brown jacket, camouflage tube mask, gray cap, at black pants. At isang nillang cohort bilang lookout ay nakasuot ng white cap sakay ng isang Mio 125.

Sang-ayon sa report, isa sa mga suspek pumasok sa Alfa Mart at biglang nagbunot ng baril at idineklara nitong isang hold-up ito.

Pagkatapos makuha ng mga suspek ang cash na P60,000 mabilis na sumakay sa kanilang motorcycle at ang look out nila patungong sa bayan ng San Simon.

Sa obserbasyon ng Philippine National Police (PNP), walang umano security guards ang mga sangay ng Alfa Mart kaya sila'y madaling pasukin ng mga riding-in-tandem robbers.

Anong sangay ng Alfa Mart na naman kaya ang tinatarget ng mga robbers....??? Nagtatanong lang po.....

Dapat imonitor ng PNP ang galaw ng mga riding-in-tandem robbers lalo na sa mga checkpoints.....

Bakit kaya hindi naglalagay ng mga Security Guards ang mga sangay ng Alfa Mart??? Nagtatanong lang po......

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph