Sapnu: 400 gun violators arestado

NITONG nakaraang Miyerkules nagtapos na ang gunban na ipinatutupad ng otoridad sa buong bansa.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) simula nang ipinatupad ang gunban noong Enero 9 hanggang Hunyo 5, umaabot sa 400 katao ang naaresto ng PNP sa iba't ibang checkpoint sa Central Luzon.

Umaabot naman sa 328 iba't ibang klase ng baril ang nakumpiska bukod pa dito ang 2,319 mga patalim at explosives, ayon kay Baccay.

Ang mga naaresto 400 katao ay nasampahan ng kaukulang kaso sa korte, ayon pa kay Baccay.

Kahit na tapos na ang ipinatutupad na gunban sa bansa, ang PRO3 ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng checkpoint sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon, dagdag pa ni Baccay.

Ito aniya para matiyak at mamentine ang peace at security sa Central Luzon, pahayag pa ni Baccay.

Ipinagmalaki naman ni PRO3 BG Baccay na naging peace and orderly ang nakaraang national at local elections sa Region 3.

Naging matagumpay ang ito dahil sa masigasig at patuloy na pag-monitor ng mga provincial at city police directors simula ng kampanya, ayon pa kay Baccay.

Mabuhay po kayo BG Baccay!

Isang tanong lang po: nasaan nakalagak ang mga nakumpiskang mga baril? Nagtatanong lang po...

*****

Traffic Light sa harapan ng Vista Mall

Matagal ng nirereklamo ng mga motorista ang traffic light sa nasabing mall dahil nagiging sanhi ito ng mahabang trapik.

Wala naman daw pumapasok at lumabas ng mall pero naka stop ang lahat ng mga motorista kaya naman simula sa Barangay San Isidro hanggang sa traffic light ay nagdulot na mahabang trapik.

Kahit na sa gabi patuloy pa rin ang operasyon ng traffic light nguni't wala naman silbi, ayon pa sa mga motorista.

Sino kayang mayroon "political will" maaaring magpatanggal sa nasabing traffic light? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph