Sapnu: PNP inaresto ang 100 magsasaka

NOONG Huwebes (June 9) hindi inaasahan ang biglang pagsulpot na mga magsasaka sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac.

Sang-ayon sa police report, aabot umano sa 100 katao (magsasaka) ang di-umano pinagsisira ang mga tubong tanim sa nasabing barangay na pag-aari ng griculture cooperative.

Dumating ang mga PNP personnel ng Concepcion Police, Tarlac Provincial Mobile Company, 3rd Mechanized Infantry Battalion Armor Division at security group ng Northern Luzon upang pigilin ang mga magsasaka.

Nguni't, ayon sa police report, naging marahas umano ang mga ito at hinadlangan nila ang mga operatiba.

Kaya wala ng magawa ang mga operatiba kungdi hulihin ang mga ito "for malicious mischief and obstruction of justice," ayon pa sa report.

Kabilang sa mga naaresto 100 katao sina Felino Cunanan, 63; Chino Cunanan, 34; Abigail Bucad, 36; Sonny Dimarucut, 45; pawang residente ng Barangay Tinang, Concepcion; Sonny Magcalas, 58; Pia Montalban, 39; at Alvin Dimarucut, 36; kapwa ng Barangay San Vicente, Tarlac City.

Dinala ang mga ito sa Concepcion Police, ayon pa sa police report.

Sang-ayon naman kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, kanyang pina-imbestigahan ang naturang insidente.

Noong Linggo, napag-alaman na pinalaya na rin ang mga naarestong magsasaka.

Nagkasya ba sa presinto ang 100 katao at pinakain naman kaya ng PNP? Nagtatanong lang po...

*****

Calling LTO sa mga motorized tricycle, E-trike

Parang kabuteng naglipana ang mga E-trike sa mga national roads sa Pampanga.

Dati mga motorized tricycle ang naglipana sa kahabaan ng MacArthur highway pero dinaig ito ng mga E-trike.

Ang mga E-trike ngayon ang hari ng kalsada dahil daig pa nila ngayon magpatakbo ang mga private vehicles.

Nakikipag-karera pa ang mga ito at hindi nila iniisip na baka sila ay maaksidente sa kanilang ginagawa.

Ang mga ito (E trike) ay pumapasada at dinadaig pa ang mga pampasaherong jeepney kung magpatakbo.

Na-obserbahan ng Dateline ang mga E-trike kung mag-overtake sa mga private vehicles sa kahabaan ng MacArthur highway mula sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Sindalan. Bale wala sa kanila kung sila ay ma-aksidente at hindi nila iniisip ang kaligtasan ng kanilang pasahero,

Ganito din ang mga motorized tricycle, hindi nila alintana na maaksidente sila sa bilis nila pagmamaneho.

Take note, palagi pa sila sa gitna ng national road at hindi man lamang gagawi sa shoulder ng kalsada.

Mga personnel ng LTO, kailan kaya ninyo ipapatupad ang batas na bawal ang mga motorized tricycle at E-trike sa national roads? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph