Sapnu: Baccay pinaiimbestigahan ang 5 dayuhan sa 'bulkalan

MATATANDAAN noong Hunyo 9, umaabot sa 91 katao ang inaresto ng PNP dahil sa kasong malicous mischief at obstruction of justice nang sirain ng mga ito ang isang sugarcane plantation sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac.

Kabilang ang limang dayuhan ang inaresto ng mga awtoridad sa naturang "bulkalan."

Kinilala ni Brig. Gen. Matthe Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang mga ito na sina Krystina Swain; Emily Butler; Nishan Carr, pawang mga American nationals at Cristopher Silva San Martin, a Chilean.

Inaresto ang mga ito, subali't pinakawalan din kaagad sila nang sabihin nila sa mga awtoridad na sila'y mga researchers at hindi raw sila konektado sa mga naaresto.

Kaya naman pinaiimbestigahan ngayon ni Baccay ang nasabing dayuhan dahil bakit sila nandoon sa bulkalan incident.

Sang-ayon kay Baccay, nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration upang malaman talaga ang kanilang mga pangalan at agarang deportation.

Mayroon posibilidad na sila ay mga miyembro o supporters ng mga nasabing naaresto, ayon pa kay Baccay.

Matatandaan sinira ng mga 91 katao na nagpakilalang mga magsasaka ng Barangay Tinang, Concepcion, subali't sa isinagawang imbestigasyon ng PNP, 12 lamang ang lihitimong magsasaka ang nandoon.

Iyong 41 ay mga artists galing ng Metro Manila, 25 ay pawang estudiante ng UP, PUP, at Tarlac State University at iyong iba ay nagpakilalang researchers.

Bakit kaya 12 lamang ang talagang magsasaka doon sa nangyaring "bulkalan" at sino kaya ang mga pasimuno nitong insidente? Nagtatanong lang po...

Ang mga awtoridad na nagresponde sa nasabing insidente ay ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

*****

Holdaper ng convenience store napatay

Sa police record, madalas hinoholdap ng mga riding-in-tandem ang Alfa mart convenience stores.

Hindi na mabilang ang naging bikitma mga Alfa mart sa lalawigan ng Pampanga at maging sa lalawigan ng Bulacan.

At nitong nakaraang Huwebes isang holdaper ang napatay ng Mabalacat City police sa isang hot pursuit operation sa Barangay Sta. Maria bridge.

Nagresponde ang mga pulis nang itinawag sa kanila na hinoldap ang Alfa mart store sa Barangay Bundagul sa Mabalacat.

Naispatan kaagad ng mga pulis ang riding-in-tandem at nang sitahin ng mga ito ang back-rider ay pinutukan ang mga awtoridad.

Dito hinabol ang mga pulis ang mga suspek at nagkaroon nang palitan ng putok hanggang tinamaan ang back-rider at nasawi.

Nakatakas naman ang rider at iniwan nitong ang kasama nitong nabaril.

Bakit kaya naman nakatakas pa ang cohort ng nasawi at bakit hindi hinabol ng mga awtoridad? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph